CHAPTER 54: YOU TALKED!!

7.2K 156 5
                                    

“Ma!” sigaw ko. Nasa room ko ako ngayon. Namimilipit sa sakit.

May dysmenorrhoea ako ngayon. Mas grabi nga ang sakit ngayon compare nung mga nakaraang buwan. Umabsent na nga ako sa huli kong subject kasi hindi ko na kaya ang sakit. Nagtaxi na lang ako kanina kasi walang maghahatid sakin. Gusto pa nga sanang sumama sa’kin ni Bii pero di ako pumayag. Ayoko kasing umabsent na naman siya. Kaya ko naman.

Kaya ko pa kanina no’ng umuwi ako pero ngayon hindi na. Hindi naman ako delayed pero bakit sobrang sakit.

Paiba-iba na nga ako ng pwesto sa paghiga para lang ipitin ang aking puson. Naroong tatagilid ako. dadapa. Kaung anu-ano. Kinuha ko na nga yung isang unan at inilagay sa bandang puson ko at inipit ko para di ko maramdaman ang sakit.

Nanlalamig na ako sa sobrang sakit.

“Mama! Ang sakit! Bili po kayo ng gamot!” sigaw ko ulit. Hindi ko alam kung naririnig ako ni Mama pero sana naririnig niya kasi hindi ko na talaga kayang tumayo.

Ang tagal naman ni Mama. Kailangan ko na ng gamot para mawala ‘tong sakit. Hindi naman ako laging umiinom ng gamot para mawala tong dysmenorrhoea ko kasi baka daw makasanayan. Umiinom lang ako kapag mga ganitong pangyayari na di ko na matake ang sakit.

♫ 'ayoko ng pumara kahit san mapunta, ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama, ayoko ng pumara , ayoko ng pumara , ahh'♫

Wrong timing naman tong tumatawag. Kinuha ko yung bag ko na inilapag ko lang sa kama at kinuha ang cellphone ko.

Calling noname...

Hindi ko alam kung sasagutin ko yung tawag kasi baka hindi ko rin siya maka-usap ng maayos.

Tumigil ang pagriring so itetext ko na lang sana siya kaso nagring ulit ang phone ko.

♫ 'ayoko ng pumara kahit san mapunta, ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama, ayoko ng pumara , ayoko ng pumara , ahh'♫

Sinagot ko na lang kasi parang hindi ako titigilan ehh.

“Hello?” pinipilit kong maging normal ang boses ko para hindi niya mahalata na may dinaramdam ako. pinagpapawisan na talaga ako ng malamig sa sobrang sakit.

-. . . .

Hindi naman siya nagsasalita. Dapat kasi hindi ko na lang sinagot ang tawag.

“Hi? Pwede bang mamaya ka na lang tumawag? Kasi ano eh..” Ang sakit talaga. Naiiyak na ako. sana hindi halata sa boses ko.

-. . . .

Inantay ko na i-end niya ang call pero hindi eh.

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon