[SON'S POV]
Narinig kong nag-aalburuto na ang tiyan ko dahil sa gutom. Wah! Nakakahiya ‘tong tyan ko, Homay! Napatingin ako kay Bii, mukhang hindi naman niya narinig.
Haist! Im craving for chocolate over there, the fountain chocolate. Gusto ko no’n! Nakakatakam yung makikita mong parang fountain yung chocolate .
Hmmn… yummy! Weakness ko ang chocolate eh. Sobra ko ‘yong favorite.
Simula pala ng pumasok kami sa garden na to. ‘Yong mga pagkain lang pinansin ko.
I looked around. Gaganda at ang gagwapo ng mga taong nandito. Puro sosyaless, yung mga suot nila halatang hindi basta basta lang. ang mga alahas nila ay nagkikinangan sa tama ng ilaw sa mga iyon. Nagpapalakihan ba sila ng mga bato?
Kung saan saan na ako tumingin ng may mahagip ang mata ko. Mga grupo ng kalalakihan na nag-uusap sa may bandang sulok ng place na to. Pero may nag-iisang bukod tanging napansin ng mata ko. Parang namagnet ang mga mata ko sa kanya. Pinakatitigan ko sya.
I blinked my eyes for so many times, baka kasi nagha-hallucinate lang ako. Yung tipong kaka-isip ko sa kanya nakikita ko na siya sa ibang tao.
Kumurap kurap ako, just to make sure.
Homay! Hindi ako nagkakamali. Siya nga yun! Siyang siya! His eyes, nose, lips. Hehe! Just kidding! Nakatalikod ang lalaking nakita ko. Pero I know, deep in my heart, deep in my heart talaga ha. Basta alam ko siya yun!
Ayan na… Haharap na siya ..
Isa...
Dalawa...
Ay! Napasimangot ako nang biglang tumalikod ulit sa may banda sa akin.
"Allison?" tawag sakin ni Bii.
"Ano?" sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Baka kasi kapag binitawan ko pagkakatingin ko sa lalaking ‘to mawala pa at ‘di ko na makita. Sayang ang pagkakataon.
"Kain na tayo. Alam ko gutom ka na."
Do’n na ako napatingin kay Bii. Alam niya? So it means, narinig nya yung pagkalam ng t’yan ko. Nakalimutan ko kaninang gutom nga pala ako dahil sa lalaking iyon.
Bigla namang nagreact ulit ang tiyan ko nang maalala kong gutom nga pala ako.
"Ayan oh? Sumasagot t’yan mo,” nanatawang sabi ni Bii, “Kakahiya ka Allison!" tawa pa rin sya ng tawa habang nakasimangot ako.
Hmnp! Bestfriend ko ba talaga to? Pinagtatawan ako!
"Bii naman." tsaka ako nagpout .Hindi pa rin kasi siya tumitigil sa pagtawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/1486451-288-k512686.jpg)