[SON'S POV]
Ngumiti at humarap ako sa kanya,” hehe!” i faked a laughed para di mahalata ni Ikey na hindi ako okey, “saan ba?”
“dito sa kabila oh. Palabas ka na ng university eh.” Sabi sakin ni Ikey at hinawakan ako sa kamay.
“dyan ba? Hehe. Nakalimutan ko na kasi eh. Once pa lang naman akong nakapunta dito.” Pagdadahilan ko. Di ko alam kung naniniwala si Ikey sa mga dahilan ko kasi di naman ako tumitingin sa kanya at tsaka nauuna syang maglakad habang hawak ang kamay ko.
Tumigil si Ikey sa paglalakad at humarap sakin. Tiningnan nya ang mga mata ko ng diretso.
“okay ka lang ba Son?” nag-aalala nyang tanong sakin.
“oo naman. Okay ako. Okay ako.” Sabi ko para maconvince ko si Ikey pero parang ang lumalabas ay ang kinoconvince ko ay ang sarili ko.
“hindi ka okay alam ko. Ano bang nangyari? Kanina naman okay ka.” Tanong nya sakin ng hindi inaalis ang pagkakatingin sa mga mata ko. Nakikita ko sa mga mata nya na nag-aalala sya pero di ko pa kayang magshare ngayon.
“pahug naman.” Sabi ko na lang. Naiiyak na naman kasi ako. Baka kapag may sinabi pa akong iba ay tuluyan na akong humagulhol ng iyak.
Lumapit sya sakin without a word at niyakap ako. Naramdaman kong hinagudhagod nya ang likod ko para makalmahin ang pakiramdaman ko.
“ano bang problema?”
“. . .” di ko sya sinagot.
Niyakap ko lang sya ng mahigpit, yung tipong parang kumukuha ako sa kanya ng lakas. Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako kapag ganitong nakikita ko si Hubibi with other girl. Naiiyak talaga ako. Iyakin na ako mula nung makilala ko si Hubibi.
Nagseselos kasi ako at nawawalan na ako ng pag-asa na makilala pa sya.
Ang dami daming pumapasok sa utak ko na negative.
What if wala aman talaga akong pag-asa na makilala sya?
what if umaasa lang ako saw ala?
What if girlfriend nya talaga si Mitch?
Paano na ako?
Paano na ang happy ending ko?
Hanggang once upon a time lang ba ang story naming? walang happy ending?
Paano na yung ‘my hearts belong to my perfect man’ kung walang perfect man? Sya lang kasi ang perfect man ko para sakin. Sya lang yung naiisip ko kapag sinasabi ko yun.