[BII’S POV]
Tapos na kaming mag-ayos ng mga ginamit namin ni Allison. Basta na nga lang nya inilagay yung mga damit sa bag ng di manlang tinutupi.
“bakit di mo manlang inayos yang mga damit?”
“ok na yan!! Di ako marunong magtupi ehh.”
Oo nga pala!! Di rin pala sya marunong. Ako rin kasi ehh. Di ako marunong magtupi ng mga damit. Wala nga akong alam na gawaing bahay, kahit nga magluto na dapat ‘daw’ marunong ang isang babae ay di ko alam. Di pa nga ako nakakahawak ng sandok at kawali.
Si Allison hindi din yan marunong magluto kaya nga sabi nya sakin dati mag-aasawa daw sya ng marunong magluto para daw di na daw sya magluluto. Mas masarap daw ang mga luto kapag lalaki ang nagluto kaya nga daw maraming chef na lalaki. O kaya naman daw kukuha daw sila ng cook.
“ok na ba lahat Allison?”
“ok na ata.”
“tara na.”
“ang bigat naman neto. Aist!! Buti na lang sinabi ko kila Alex na intayin tayo.” Nagreklamo na naman tong babaitang to.
“bakit mo naman sila pinag-intay pa?” nakakahiya naman.
“para may taga-dala.”
“ikaw talaga. Pero okay na rin yun. Sama nalang natin sila sa pagcecelebrate natin ngayon.”
“magpapakain ka Bii?” parang nabuhayan sya nung sinabi ko na magcecelebrate. And take note, pagkain agad naisip nya. Takaw talaga neto.
“oo .. nagpaluto ako kay manang. Matalo o manalo kasi magcecelebrate tayo.” Masaya naman kasi ehh. Kaya dapat lang magcelebrate. New experience din kasi. Thanks to my bestfriend.
“yehey!! Bilisan na natin BIi. Nagutom na ako bigla.”
“parang kakakain lang natin ahh.”
“kanina pa kaya tayo kumain!”
Matagal na ba yung 10 minutes? Kasi ang alam ko talaga kakakain lang namin.
“oo na nga lang! Nakarinig ka lang ng pagkain ehh. Nagutom ka na agad.”
Umalis na kami dun sa may backstage. Nang makalabas na kami nakita agad kami ni Dave. Lumapit agad sya samin kasunod ni Alex.