CHAPTER 53: realization

7.3K 142 10
                                    

[SON’S POV]

Nang makarating na ako sa tambayan namin ni Bii, kinuha ko agad ang cellphone ko kasi itetext ko si Bii. Kailangan ko ng pampalit eh.

To Bii: Bii. Di ba mei damit ako dian sa room mo? Dala ka naman ohh. Khit pants or skirt. Basta khit anong available dian at pad. Nagkaron ako eh. Agahan mo narin ang pasok. Pls pls.

Sana mabasa agad ni Bii yung text ko.

Napahawak ako sa jacket na nakapulupot sa bewang ko at tinanggal. Baka malagyan ng ano eh.

 Haist!

Inamoy ko yung jacket ni Hubibi. Ang bango. Naiwan yung amoy ng perfume niya sa jacket. Parang si Hubibi tuloy ang inaamoy ko.

Hindi ko na isasauli to. Gagawin ko tong katabi kapag gabi. Hehe. Joke lang

---

“finally Bii nakarating ka na rin. Nadala mo ba yung pinapadala ko?” salubong ko agad kay Bii pagkakita ko sa kaniya.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya na dala dala yung jacket ni Hubibi. Ayokong bitawan baka magkadumi.

“oo. Eto na. Samahan pa ba kitang magpalit?” sabi ni Bii at binigay sakin yung paper bag na dala niya.

“hindi na. Keri ko na to. Salamat ha?” aalis na sana ako nang maalala ko yung jacket. “ay Bii. Pahawak naman muna neto. Baka magkadumi eh. Wag mong ilalapag kung saan saan ha? Hawakan mo lang.”

Di ko na inintay yung sasabihin sana ni Bii at tumakbo na ako sa ladies room.

Ops. Bawal nga palang tumakbo.

Nang makapasok na ako sa isang cubicle sa ladies room. Tiningnan ko yung laman ng paper bag. Nakalimutan kong sabihin na magdala ng underwear. Meron din ako nun sa bahay nila. Kasi nga di ba parang ikalawang bahay ko na rin yun.

Dress pala dinala ni Bii. Siguro di na siya nakapili kasi pinagmamadali ko siya eh. Hinalungkat ko pa kung anong nakalagay sa paper bag. Buti naman at nagdala ng underwear si Bii kahit di  ko nasabi kanina sa text.

[BII’S POV]

Naiwan akong hawak ang jacket na pinahawak sakin ni Allison. Meron pala siyang ganitong jacket pero bakit malaki ata.

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon