CHAPTER 61: TNX ALEX!!

7.1K 134 13
                                    

CHAPTER 61: TNX ALEX!!

 

 

[SON’ POV]

“morning Papa, Mama.” Antok na bati ko agad sa kanila kahit hindi ko sila masyadong nakikita. Antok pa kasi ako at hindi pa rin ako nakakaligo. Nakapikit pa halos ang mga mata ko. Nakapanjama pa ako at hindi manlang ako naghilamos at nagsuklay ng buhok. Sila Mama at Papa lang naman ang makakakita sakin sa ganitong ayos.

“my Princess, bakit ka bumaba sa ganyang ayos?” gulat na tanong ni Papa at may narinig akong tumatawa ng mahina.

 

“tinatamad pa po kasi akong maligo tsaka inaantok pa ako kaso nagugutom na ako kaya bumaba na ako.” sabi ko at pumunta na ako sa dining area.

Nang makaupo na ako ay pumikit ulit ako, “inaantok talaga ako Papa.”

“good morning Son.”

 

 

“good morning di--“ natigilan ako. di naman boses yun ng Papa at bakit parang boses ni Alex yun?

Hala!

Si Alex!?

Napamulat ako at nagulat pa lalo ako ng makita at maconfirm ko sa harapan ko si Alex na nakangiti sakin.

“waahhh!!!” napasigaw ako at napatayo sa pagkakaupo. “Papa bakit hindi mo sinabing may ibang tao.” Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kwarto ko.

“sasabihin ko naman sana Princess kaso it seems na gutom na gutom ka na.” Sigaw pa sakin ni Papa.

“Papa naman eh!” sigaw ko pa bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko. Ang lakas ng pagkakasara ko ng pinto at narinig ko pang nagtawanan sila Papa sa baba.

Grabe! Hingal na hingal ako. nagising ako bigla pagkakita ko kay Alex.

Wahh!! Nakakahiya naman. Nakita pa ako ni Alex sa ganitong ayos. Si Papa naman kasi eh. Di agad sinabi.

Ano naman kayang kailagan ni Alex at andito siya ngayon sa bahay?

Binilisan ko nalang ang paliligo at nagugutom na talaga ako.

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon