CHAPTER 6: Am I Ready for LOVE ??

14.2K 262 22
                                    

---> dress ni Bii

[DAVE'S POV]

This is the day na pinakahihintay ko. Pupunta kaya siya? I hope so. Gusto ko pa siyang makilala bago niya malaman ang dapat malaman. Gusto ko ring maging malapit muna sa kanya para hindi niya pagdudahan ang intensiyon ko sa kanya. And also, I wish na pumayag siya pero tama ba tong ginagawa ko?

Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa aking bulsa dahil naiisipan ko na namang itext siya.

Me:  Bea. Punta ka mamaya ha? Asahan kita.

 

Ibinulsa ko na ang cellphone ko ng maisend ko na ang SMS. Napangiti ako sa pinagagawa ko. Ang isang Dave Marcelo, nagpapapansin sa isang babae? Hindi naman kasi siya basta basta kaya worth it ang pagpapansin ko. Pero kahit ata tadtadin ko siya ng text ay hindi pa rin niya ako rereplyan kahit ‘ha’ lang. Ilang beses ko na siyang tinext pero kahit isa, walang reply. Ang saklap nga eh, nakakalalaki na siya pero dahil special naman siya kaya okay lang sa akin. Iniisip ko nalang minsan na na mali ang number na na-isave ko kaya walang nagrereply sa akin.

I like her, the first time I saw her in the company with her Dad, ang bading nga, gumaganun talaga ako na dati namang hindi. Pero that time, hindi pa niya ako kilala. I know it’s so gay. Pero wala eh, Tinamaan na ako agad sa kanya. Love at first sight ba tawag nun?

---flashback---

 "Son, you need to go with me" biglang nagsalita si Dad. Nag-aalmusal kami nang umagang iyon.

"Where?" tanong ko sa Dad ko at pinagpatuloy ang pagkain. Alam ko naman na sa company na ang tinutukoy niya pero nagkunwari lang ako na hindi ko alam. Baka makalusot lang.

"To the company, you need to be familiarize everything, because, after you graduated you’re the one to be in charge on the marketing department," sabi niya without looking at me.

"But Dad!" pagpoprotesta ko. Hindi pa ako handa para dun. Ayoko pang pumasok sa mundo ng business world na kung saan ay ang makakasama ko ay ang mga boring na tao na walang iniisip kung hindi ang lumaki ang presyo ng stock nila sa market.

"No buts, son,” seryoso niyang sabi at tumayo na siya, “Bilisan mo ng kumain dyan at sasabay ka sakin."

"Okay," I said. Wala naman akong magagawa. Batas ang Dad ko sa bahay. Bawal ang sumuway dahil kung hindi mo siya susundin, magsisisi ka.

------------------------------------------------------------------- 

**COMPANY**

Pumasok na kami sa loob. Nakasunod lang ako sa Dad ko na seryosong naglalakad.

"Good morning Sir."

"Good morning po."

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon