CHAPTER 55: okay na!
----
dedicated sayo .. hehe
sori for the typo error.. tinatamad akong iedit--
====
[BII’S POV]
“Bea, Dave is waiting downstairs. Talk to him hindi yung iniiwasan mo siya. Ayusin niyo ang dapat ayusin.” Utos sakin ni Daddy ko ng katukin niya ako sa room ko.
“sige po dad.” Sabi ko nalang kahit labag sa kalooban ko na kausapin si Dave ngayon. Si Daddy na nag nag-utos eh.
Ayoko pang kausapin siya ng maayos kasi baka mawala ang galit ko kapag nagsosorry na siya. Mahal ko kasi yun kahit nagawa niyang magsinungaling sakin. Habang nagdadaan nga ang mga araw unti onti ng nawawala ang galit ko sa kaniya. Yung parang okay na ang lahat kahit hindi pa siya magsorry.
Pero siyempre. As a girl, kailangan din namang may pride akong pinanghahawakan para hindi na niya ulitin yun sakin.
Alam ko naman na hindi mauuwi sa hiwalayan to kasi pinagkasundo nga kami at walang saysay lang tong away namin kasi mae-engage din naman kami soon.
Alam ko rin naman na inaabot si Dave ng twelve midnight sa labas ng bahay para lang kausapin ko. Nakakapuyat nga yung ginagawa niya kasi hindi din ako makatulog kasi iniintay ko munang umuwi siya bago ako matulog.
Alam niyo yung feeling na gusto kong bumaba at sabihin sa kanya na umuwi na at okay na ang lahat. Na pinapatawad ko na siya.
Gustong gusto kong gawin yun. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ang lungkot lungkot kasi ng mukha niya everytime na makikita ko siya kaya iniiwasan ko talagang tingnan ang mukha niya at parang malulusaw ang puso ko kapag nakikita ko siyang ganun.
Ilang araw sin na puro ganun at kapag papasok naman ako sa school ay di ko siya kinakausap ng matino. Laging pabara ang sagot ko. Kapag naman uwian di ko rin siya binibigyan ng chance na kausapin ako kasi bumababa ako agad ng kotse.
----------
Matagal na kaming nakaupo lang sa sala pero walang nagsasalita samin. Ayokong pangunahan siya kasi siya yung pumunta dito, so siya ang may sasabihin.
“bhie?” tawag sakin ni Dave.
“Bea ang pangalan, Beatriz Mendez.” Sagot ko sa kaniya.
Narinig kong huminga siya ng malalim.
“sorry kasi nagawa kong ilihim ang tungkol dito. Sorry kung sa di mo pa inaasahang pagkakataon marinig yung about satin. Sorry kasi nasasaktan kita....