dedicated sayo
..sorryForTypoError..
----
[SON’S POV]
I am just lying on my bed. Nagpapaantok na ako kasi kailangan ko pang gumising ng maaga bukas. Makikipagkita ulit ako kay Hubibi.
Namiss ko siya kasi hindi ako nakipagkita sa kanya after na makita niyang may stain sa pants ko.
Nahihiya kasi talaga ako.
Kasi naman nawala sa isip ko yung petsa. Akala ko rin madedelay yung bisita kong yun. Kaso mali pala ang akala ko. Kaya ayun.
Nakita pa ng Hubibi ko at saktong nakawhite pants pa ako. oh di ba? Kitang kita.
Buti na lang talaga at pinahiram niya ako ng jacket niya kaya siya lang ang nakakita pero kahit siya lang yung nakakita nakakahiya pa rin.
Siya?
My perfect man?
My only Hubibi?
And soon to be my boyfie?
Homay! Kung pwede nga lang ireset ang mga nangyayari sa pang araw araw na buhay ginawa ko na eh.
Kaso hindi eh. Kaya kailangang iaccept.
Nung kinwento ko nga yun kay Bii, tinawan lang ako. sabi niya baka daw isipin ni Hubibi na burara akong babae tapos biglang hindi na maapakita sakin.
Ayaw kong mangyari yun eh.
Okay lang na mapahiya ako sa harap niya basta makita ko lang siya.
Beep.
Oh? May nakaalala ata sakin. Ang tagal ding walang nagtetext sakin. Kahit si Alex hindi na ako tinetext.
Noname: how’s life?
Napataas ang isang kilay ko. Bakit naligaw uli tong walang pangalan na to sa inbox ko. Namiss siguro ako neto.
Me: oh?
Noname: nothing. Just passing by.
Me: ah k.
Wag niyo ng pansinin ang reply ko. Hehe. Ganyan lang talaga akong magreply minsan.
Noname: i’ll call you.
Me: sure, basta magsasalita ka ulit.
Noname: i don’t want to talk.