[BII’S POV]
Nasa kotse na kami ni Dave pauwi. Si Allison, ayun, biglang tumahimik at nakatingin lang sa labas ng kotse. Sa mga dinadaanan namin. Kung titingnan mo sya parang di sya yung Allison na nakikipagtawanan sa mga dreamguyz kanina. Ang saya saya nya kasi kanina at di mapapansin na may itinatago syang lungkot. Ang galing din naman kasi ni Allison na magtago ng totoong nararamdaman. Ako lang naman ang nakakapansin ng totoo nyang nararamdaman kaya nga kanina di ko inaalis ang pagkakatingin sa kanya habang kausap nya si Alex.
Napatingin ako sa rear-view mirror at nakita ko si Allison na parang ang lalim lalim ng iniisip kasi napapabuntong hininga pa sya minsan.
“may problema ba Bhie?” tanong sakin ni Dave.
“wala naman bhie. Si Allison lang kasi, di pa nya sinasabi sakin problema nya.” Sagot ko habang nakatingin lang kay Allison sa rear-view mirror.
“problema?”
“di ko alam. Kilala ko kasi yang si Allison kapag bagong iyak.”
“parang hindi naman sya umiyak.”
“hindi. Iba talaga ang aura nya ngayon.”
“tanungin mo mamaya para di ka nag-aalala.”
“mamaya nga tatanungin ko sya. Sa kanila na lang ako tutulog para makapagshare sya sakin.”
__
“Allison?” tawag ko. Nasa gate na kasi kami ng subdivision kung saan kami nakatira eh.
“Allison gising. Andito na tayo.” Nakatulog na pala sya sa likod paglingon.
“hhmmnn?”
“dito na tayo. Gusto mo bang hatid ka na lang namin sa bahay nyo? Maya mo nalang kunin yung bike mo?”
“saan na ba tayo?” sabi nya ng tuluyan na syang magising.
“andito na tayo. Hindi mo ba kukunin bike mo?”
“baba na ako.gabi na eh. Baka mamaya di ko na to makuha mamaya pagdating ko sa bahay.”
“o sige. Ingat ka ha.”
Bumaba na sya ng kotse at kinausap si manong guard na nakaduty ngayon. Pumasok si manong guard sa loob ng guardhouse at lumabas na dala dala na yung bike ni Allison. Kinuha na ni Allison yung bike at nagbabye na samin.