CHAPTER 31: OFFICIALLY ON

7.8K 149 14
                                    

CHAPTER 31

 ----------------------

dedicated to you snowangel_0817..

--------------------

[BII’S POV]

 

“Bea andito na tayo.” Dave

Napatingin ako sa labas ng kotse. Nasa city pa rin pala kami. Naglalakihan pa rin ang mga building kasi.

Akala ko pa naman magdedate kami. Parang aattend pa kame ng party kasi parang hotel ata tong tinigilan namin.

“so may party dyan sa loob?” tanong ko sa kanya.

“wala.” Nakangiti nyang sagot sakin habang nagdadrive papuntang parking lot.

“eh bakit nakaformal pa tayo?” naguguluhan ako.

“para romantic.”

 

“eh?”

 

“ayaw mo ba?”

Ano ba naman yang tanong nya. Parang di naman kailangang itanong yun.

Nakakahiya naman kasi kung umoo ako, kasi baka isipin neto na gustong gusto ko. Ang pangit din naman kung humindi ako kasi mapapahiya sya. Tsaka gusto ko rin naman ng romantic date. Pero kailangan ba talagang nakaformal attire? Kahit na semi-formal lang tong soot ko.

“asan pala tayo?”

 

“sa condo ko.”

Napatingin ako kay Dave. Sa condo nya kami pupunta? Anong gagawin naming dun? Tapos nakaformal? Ang labo ah.

“hahaha. Makatingin ka dyan?” Dave

Di ako sumagot at umiwas na lang ako ng tingin.

“nagbablush ka na naman dyan, hehe.”

Pinagtawanan pa ako. Amp!

“anong gagawin natin sa condo mo?” tanong ko na lang sa kanya.

“dinner. Actually hindi talaga sa condo ko.” Tumingin sya sakin then nag-smile.

“saan?”

 

“basta, surprise nga di ba? Tara na.” Sabi nya ng nakangiti sabay hawak sa kamay ko. Tapos sumakay na kami sa elevator.

Mr. Don't-Know-The-Name [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon