PROLOGUE
Valentine's Day.
"Naku naman, napakalandi ng mga to. Kulang na lang magsunggaban sa kalye. Kutusan ko kayo eh." Kung hindi lang talaga masama manakit ng taong walang ginagawa sa'yo. Ay diyos ko! Anong wala?! Eh nakakairita kaya silang tignan. Unjust vexation to!
"Ikaw naman Erisse, napakabitter mo. Kaya wala ka pa ring nagiging boyfriend hanggang ngayon eh." Tignan mo tong si Kate. Kaibigan ba talaga to? Hindi man lang ba siya naasiwa sa pinaggagagawa ng mga bwisit na magjojowa na to?! The hell!
"Oh, tama ako ano? Natahimik ka na diyan. Hahahaha! Tigilan mo na kasi pagiging bitter, friend. Ang tagal na nun eh." Si Kate na diretso ang tingin sa daan at nakangiting nagmamaneho. Coding kasi ako ngayon.
Napatingin naman ako sa kanya. Itong mga ganitong sandaling ito. Ito ang pinakainiiwasan ko sa lahat. Ang sandaling muling mabuklat sa isipan ko ang lahat ng pangyayaring matagal ko nang ibinaon sa nakaraan.
Hangga't maaari, ayaw ko na itong maalala.
Kasi hindi ko maitatanggi. Hindi ko maloloko ang sarili ko. Kasi hanggang ngayon...
Nasasaktan pa rin ako.
Hindi. Hindi sapat ang salitang "sakit" para maramdaman ninyo ang kirot sa puso ko. Hindi kayang pangatawanan ng salitang iyon ang pagkawasak ng pangarap ko, ang pagkasira ng buhay ko, ang pagbabalewala sa nararamdaman ko, ang pagpapasakit ng ginawa sa akin ng nakaraan ko, ang gabi-gabi kong pag-iyak at pagmamakaawa, ang araw-araw na pagpatay sa akin, ang pagmamaliit ko sa sarili ko nang dahil sa kanila.
Tama. Hindi ito basta "masakit". Sumagi lang sa isip ko ang pangalan niya, para na akong sinasaksak ng walang kalaban-laban.
Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana at sinundan ng tingin ang simbahang nadaanan namin. Napabuntong hininga na lang ako. Ang tagal ko nang hindi nagpupunta doon. Bago pa ako madepress ulit, ngumiti ako at tumingin sa daan.
"Sinong bitter?!" Mukha namang nagulat si Kate at napalingon saglit sa akin at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Single lang ako. Pero SOBRANG SAYA KO. Wala akong panahon sa mga ganyan. Dahil ako, si Erisse Sophia Saavedra, maganda, matalino at mayaman, ay walang panahon sa pakikipaglokohan." Ako sabay ngisi. Umiling-iling na lamang si Kate sa akin.
Tama. Hindi na dapat pagaksayahan ng oras ang nakaraan.
Sino ba siya? Walang kwenta. Pwe!
Natawa na lang ako sa naisip ko. Nandito na pala kami sa party.
A/N: Sana matuloy ko tong story na to. Pinag-iisipan ko pa eh. Haha! Anyways, photo base for the cover credit goes to the owner. :)
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...