20 - Ang paghaharap

528 7 2
                                    

Pakatapos naming magdinner ay dumiretso kami nila papa at Miguel sa bahay. Oo, sa bahay muna ako panigurado. Hindi muna ako uuwi sa condo. Buti na lang at 2 weeks si papa dito, matagal-tagal ko siyang makakasama.

Kasama namin si Miguel kasi nga mag-uusap sila. At dahil ayaw kong mag-isa habang naghihintay matapos ang usapan nila, sinama ko si Kate. Dahil kasama si Kate, syempre kasama si Jake. Si Anthony naman nagdecline na sa pagyayaya ni papa na pumunta muna sa bahay kasama namin. Dadalaw na lang daw siya bukas, sa ngayon, magpapahinga na muna siya.

Nasa living room si papa at si Miguel, mukhang nag-iinuman din. Kami naman nila Kate at Jake nandito sa kwarto ko.

"Tumigil ka nga sa kakalakad mo ng pabalik-balik dyan Erisse. Nakakahilo ka." Si Kate na nakaupo sa couch katabi si Jake. Nanonood sila ng TV ngayon. Ako naman dito sa tabi ng kama, hindi mapakali.

"Kasi naman best friend..." Magkadaop pa ang kamay ko at pagkatapos ay ni-rub ko pa sa may hita ko. Kabado much?

"Calm down, okay? Kakayanin ni Miguel yon." Sagot ni Jake na lumapit at binigyan ako ng tubig. Inabot ko naman at uminom ako. Wooh! Feeling ko isang buong araw akong di uminom ng tubig. Ubos agad eh.

"Masyado kang tensed eh." Sabi ni Jake pagkaupo sa kama ko. Inilapag ko naman ang baso sa bedside table.

"Eh..." At umupo ako sa tabi ni Jake na nakatingin lang sa akin. "Si papa kasi hindi ko mabasa." Sagot ko na hindi nabubura ang pag-aalala sa mukha ko.

"Nako naman best friend. Parang hindi mo kilala si uncle. Ganyang ganyan din yan nang ipakilala mo si Miguel na manliligaw mo noon eh." Sagot naman ni Kate na nakatingin na rin sa amin.

"Kasi Kate, understood naman yon noon. Malamang hindi kilala ni papa si Miguel. Ngayon kasi, iba na ang sitwasyon eh." At mas lalo pa tuloy akong kinabahan. Naramdaman kong inakbayan ako ni Jake pero naihilamos ko lang yung kamay ko sa mukha ko.

"Do you trust Miguel?" Tanong niya sa akin.

"What kind of question is that? Of course I do!" Diretsang sagot ko.

"Yun naman pala eh. No need to worry." Sagot ni Jake. Kasi, may iba lang talaga akong feeling eh.

"Hindi ko nga kilala ang papa mo pero for a guy like me who met him for the first time, I must say he's a kind-hearted man." Sincere na sabi ni Jake. Napatingin naman ako sa kanya at unti-unting napangiti nang makitang nakangiti siya sa akin.

"You know very well that uncle does everything for you." Si Kate na nakacross-arms at naglalakad papunta sa kinauupuan namin ni Jake. Tumabi naman siya sa kabilang side at hinawakan ang dalawang kong kamay. Napatingin lang ako sa kanya.

"Everything will be just fine." Pag-aassure niya sa akin.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto kaya naman naalimpungatan ako. Nakatulog na pala ako sa paghihintay. Hala! Si Miguel! Kumusta kaya yung pag-uusap nila?

Nakarinig pa ako ng katok kaya inayos ko ang sarili ko. "Bukas yan." 

"Baby..." Si papa pala. Nakaramdam na naman ako ng kaba. Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kama.

"Sila Miguel po?" Tanong ko sa kanya.

"Nakatulog ka kaya hindi ka na nila ginising para magpaalam. Umuwi na sila." At saka inipit ni papa ang buhok ko sa tenga ko. Ngumiti naman siya.

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon