Erisse's POV
Tinignan ko ang isang kapirasong papel sa ibabaw ng bedside table ko, di alintana ang paulit-ulit na pagring ng cellphone ko. Rinding-rindi na ako sa ringtone ko kaya nilagay ko siya sa vibrate mode. Ilang sandali pa ay vibrate ng vibrate na naman ang cellphone ko kaya naman kinuha ko muli ito at pinatay.
Hindi ba nagsasawa si Miguel kakatawag?!
Napahiga na lang ako sa kama ko. Umuwi rin ako agad dito sa condo makalipas ang tatlong araw. Hindi ko na kaya pa munang harapin ang kahit na sino, maging si papa. Nasa rest house pa rin siya. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang gagawin para makausap siya ng masinsinan.
Napabangon akong muli. Di na ako nakatiis kaya naman kinuha ko na ang papel na tinititigan ko kanina pa.
Marco Ocampo's Birthday Celebration
Pupunta ba ako o pupunta? Hayy wala kasi akong choice. Baka may makuha rin akong paliwanag mula sa kanya. -_-
Isang oras na lang at magsisimula na ang party. Ano pa nga bang magagawa ko? Binuksan kong muli ang cellphone ko at tawag ni Kate ang bumungad sa akin.
"Hell---?" Hindi na niya ako pinatapos. -_-
"Kanina pa kita tinatawagan, kung hindi busy ang phone mo, cannot be reached naman! Nasaan ka na ba?" Iritado niyang sabi sa akin.
"Wala akong kausap. Tawag kasi ng tawag si Miguel kaya siguro busy. Nandito ako sa condo. Sunduin mo ako. Sasama ako sa party." Matapang kong sabi. At pagkasabi na pagkasabi ko neto ay agad niyang i-end ang call. Hay nako kahit kailan talaga.
Pumili ako ng isang sopistikadang black laced dress at black na pumps. Inayos ko ang curly hair ko at saka ako naglagay ng light make-up. Hindi pa man ako nakapaglagay ng lipstick ay may bigla na lang nagdoorbell.
Agad ko naman itong pinuntahan. Sumilip muna ako at nang makitang si Kate ang nasa pinto ay pinapasok ko siya agad.
"Ang aga mo naman." Puna ko sa kanya pagkatalikod ko pero hindi na ako nakalayo pa kasi hinatak niya ako at saka niyakap.
"Bruha ka! Miss na miss kita!" Teary-eyed na sabi ni Kate.
"Sa Batangas lang ako nagpunta, hindi ako nangibang-bansa." Pamimilosopo ko.
"Whatever. Bilisan mo na nga. Ang gulo niyo kasing magboyfriend eh!" Sabi niya. Natigilan naman ako pero nakabawi rin.
"Wala na kami." Plain kong sagot saka naglagay ng red lipstick.
"Tigilan niyo ko. Di pa kasi kayo nakakapag-usap ng maayos." Sabi ni Kate. May nalalaman ba tong hindi ko alam?
Napatingin ako sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin at niyaya na akong lumabas. Kinuha ko ang regalo ko kay Tito Marco at saka sumunod kay Kate.
Sa dami ng iniisip kong posibilidad ay di ko namalayang narito na pala kami sa bahay nila Miguel. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Mas lalo pa itong naging nakakabingi nang ilapag ko ang paa ko sa teritoryo niya. Hindi naman ito zombie story o kung ano pero sa tingin ko mas natatakot akong pumasok sa mala-hunted este haunted house. Haunted ng past. :(
Nawala sa paningin ko si Kate. Saan na ba siya nagpunta at nakayanan niya akong iwan sa ganitong sitwasyon? Imbes na pumasok sa loob kung saan sa tingin ko'y nagsisimula na ang kasiyahan ay nagpunta na muna ako sa garden kung saan kami madalas tumambay ni Miguel noong college kami.
Pagkaupo ko pa lang sa isang bench doon, nagsibalikan na lahat ng masasayang alaala namin dito sa garden na to. Madalas kaming magtawanan, maglambingan at mag-iyakan dito. Ngayon, sa tingin ko mag-isa na lamang akong iiyak dito.
Kahit naman sobra sobra na niya akong sinasaktan, it can't change the fact that I'm still madly in love with him. Kung tutuusin, wala ka nang hihilingin pa kapag siya ang naksama mo habang buhay. Kaya lang, sa tingin ko, sa tingin ko lang naman, hindi lang talaga kami para sa isa't isa.
Nararamdaman ko na ang unti-unting pagpatak ng luha ko. Pero feeling ko umatras to dahil may bigla akong narinig kaya agad akong tumayo at nagtago.
"Maliwanag na ang lahat. Wala akong kinalaman sa kung ano man ang sinasabi mo." Tinig yon ni Bea, panigurado.
"Bea... Hindi ko gustong saktan ka." Para namang nanlambot ang mga tuhod ko nang marinig ko ang boses na yon. Sobrang miss ko na si Miguel. May kung anong kumurot sa puso ko. Nahihirapan siya kapag nasasaktan niya si Bea. Paano naman ako?
"Hindi mo alam kung gaano mo ko pinahihirapan. Naguguluhan ako sayo. So tuloy na nga ang kasal?" Si Bea ulit.
Wala akong narinig na sagot. Feeling ko tuloy na nga ang kasal nila. Wala na. Ano pa nga bang aasahan ko?
"The guests are looking for you, son." Hindi ako pwedeng magkamali, si Tito Marco ang nagsalita!
Nakarinig na lang ako ng mga yapak paalis sa lugar kung saan sila nakatayo kanina. Dahan-dahan akong lumabas sa kinatataguan ko ngunit halos mapatalon pa ako sa sumunod na nangyari.
"And you still have the guts to be here?" Malamig na sabi ng mommy ni Miguel.
"Inimbitahan ako ni Tito Marco." Matapang kong sagot sa kanya.
"In case you ever forget, you'll never be a part of this family." Nakataas-kilay niyang sabi sa akin. Ngunit bago pa siya makalayo, nagsalita na ako.
"You think you can get what you want by forcing people? Sorry, I'm not like THEM." Hindi ko rin maisip kung saang lupalop ko nahugot ang lakas ng loob para sabihin yon.
Napatigil siya at lumingon sa akin. Pero imbes na inis ang makita ko sa kanyang mukha ay tumawa pa siya.
"I don't need to force them, honey." At saka siya tuluyang umalis.
She left me, frozen right where I was standing. A-anong ibig niyang sabihin? Hindi kaya...? Pero bago pa ako makapag-isip ng kung anu-ano, narinig ko na lang na...
"Congratulations, Miguel and Bea! I will surely be in your wedding!" Sabi ng isang lalaki.
Pero ang mas masakit doon ay ang sumunod kong narinig...
"Thank you." Mga salitang di ko inaasahang tutusok sa puso ko. Mga salitang kumumpirma na wala na ngang pag-asa ang pagmamahalan naming dalawa...
O ng pagmamahal ko sa kanya? Ako lang ba talaga ang nagmahal? Miguel, bakit ka nagpasalamat? Halos mabaliw ako at nangingilid-ngilid na ang luha ko. Ang drama ng love life ko. Bakit hindi pwede sa akin yung walang hassle ang love life. Yung smooth lang? Kailangan napakakomplikado lagi?
Minsan na nga lang magmahal, ganito pa ang kinahahantungan ko. Lumabas ako, nagpakalayo-layo kahit na naka-heels pa ako ng hard, wala akong pakialam. Gusto ko lang makalayo doon.
Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang pagbuhos ng napakalakas na ulan pero ininda ko lang yon. Ang mahalaga ay makalayo ako sa lugar na ito.
"Ahhhhh!" Sa kamalas-malasan, sa gitna ng daan, kung saan ako sobrang soaked sa ulan na feeling ko malulunod na ko sa walang katapusang pagbuhos nito, nasira pa ang takong ko.
"Fine! You win this time! Look at me! Look at me, I'm a mess! Happy now?!" Pasigaw kong sabi sa kawalan. Napaupo na lang ako sa kung saan ako ngayon at napahagulgol.
Isang ilaw ang nagtulak sa akin para buksan ang mga mata ko. Isang pamilyar na kotse ang tumigil sa harapan ko. Hindi ako makatayo, feeling ko nanigas na lang ako sa kinauupuan ko. Pagkalabas pa niya'y dahan-dahan akong napatingala mula sa pagkakatingin sa sapatos niya hanggang sa kanyang mukha.
At doon, nagkatinginan lang kami.
A/N: Soooobrang tagal kong nawala sa wattpad. Huhu i'm glad i'm back kahit na busy pa rin. Salamat sa paghihintay! Eto na po :) Miss you all.
*creampuff*
![](https://img.wattpad.com/cover/3667846-288-k324381.jpg)
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romansa"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...