17 - I'm such a jerk for letting you go

584 6 0
                                    

A/N: Si Kate at Jake po yung picture sa gilid noong sila pa. Bata pa sila niyan. XD

Dedicated to my high school friend. :"> IMY!

Kate's POV

On the way kami ni Anthony sa Resort's World ngayon. Parang doon ko kasi napupusuang gawin ang fashion show. One month na lang at launching na ng summer collection namin.

Busy sa pagdadrive si Anthony ngayon. Napansin kong iba ang aura niya paglabas niya ng office namin ni Erisse. Iba ang kutob ko dito.

Speaking of Erisse, I know kahit hindi niya aminin sa akin. Pansin ko naman na nahihirapan pa rin siya sa pagdedesisyon. Feeling ko nagpadalos-dalos na naman siya sa pagdedesisyon niya nang sabihin niya sa aking gusto niyang ayusin na ang anumang namamagitan sa kanila ni Miguel as friends.

AS FRIENDS.

Talaga Erisse?

Hindi ko naman masisisi ang best friend ko. Maging love life ko ay may pagkakahawig din sa kanya. Ang masaklap, sa magbest friends din kami nainlove. Ayan ang tadhana namin. Hindi ko rin kasi talaga alam kung saan kami nagkulang. Anyways, at least si Miguel bumabalik ng may dahilan. Si Jake, bumabalik nga, ayaw namang pag-usapan ang nakaraan. Tapos puro pangbablackmail pa ginagawa sa akin.

Not that I badly want to be back in his arms. It's just that, at least I have the right to know what happened to us long time ago. It still bothers me. And I find it really difficult to absorb that what he said before when he left me is true.

I don't want to believe it.

I don't know if I can.

Anyways, mabait naman talaga itong si Anthony. Gentleman and talented. Hindi siya mahirap mahalin for sure. Kaso, ano bang laban niya kung first love ang pinag-uusapan dito? Alam kong hindi naman din intensyon ni Erisse na manakit. At siguradong sa mga oras na ito, gulung-gulo na naman siya lalo na't makakatrabaho niya pa silang dalawa.

Wala naman akong kaso kung sino sa kanila ang piliin niya. Basta ba kaya na niyang panindigan ang desisyon niya at paniguradong, hindi na siya ulit iiyak ng dahil sa sakit. Kasi naman, ilang taon na ang pagluluksa ng best friend ko. Sobrang nakakaawa na talaga siya eh. Idagdag mo pa yung fiancee ni Miguel na pinaglihi sa bola.

Malayo na ang nararating ng isip ko nang biglang makatanggap ako ng message galing kay Erisse.

Fr: Erisse Sophia

Best friend, business dinner daw mamayang 7pm sa restaurant ni Jake sabi ni Miguel. Pakisabi naman kay Anthony, hindi kami pwedeng magdinner ng sabay mamaya. Next time na lang. Thank you! Ingat! Ahm... Sabay tayo?

WEH. Miguel? Business dinner? Haha! Natawa ko. Paano naman kasi, nung umalis kami ng office, sinabi ni Anthony yayayain lang niya si Erisse magdinner kaya siya bumalik saglit. Siguro narinig ni Miguel. Nagselos?

This is getting more and more exciting.

To: Erisse Sophia

Talaga ba? Hmm... Sige call me para madaanan kita diyan mamaya. Ingat.

Message sent.

"May kailangan ba akong malaman?" Nagulat naman ako sa boses ni Anthony. Muntik ko na mabitawan phone ko.

"Omg Anthony! Nakakagulat ka." Sabi ko sabay hawak sa may puso ko.

"Sorry." Sagot niya pero diretso pa rin sa daan ang tingin. Ang lakas naman ng kutob nito. Eh di ikaw na marunong magforeshadow ng mga pangyayari Anthony.

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon