31 - Let me be the one

399 8 9
                                    

Hello! Dedicated sayo ang chapter na to, sorry sa tagal ng update and salamat sa paghihintay. :)

Erisse's POV

Nakalipas ang ilang linggong tulala lang ako sa condo. Ahm, medyo OA lang ng konti, kinaladkad ako ni Kate palabas ng lungga ko at dinala dito sa favorite naming milk tea store.

In fairness, namiss ko rin naman uminom ng milk tea dito. Nakakarelax pa rin talaga.

"Mabuti naman at naisama kita dito. Akala ko magpapakabulok ka na lang doon sa condo mo." Agaw-pansing sabi ni Kate sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Nakurap-kurap ko pa ng maraming beses ang mata ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo ha, Erisse Sophia Saavedra." Matalim ang tingin sa akin ni Kate.

Bumalik ako sa katinuan ng di oras. Jusko, nakakatakot si Kate. -__-

"S-sorry, Kate. Masyado lang kasi akong nadepress at---"

"Alam ko. Kaya nga gusto kitang sumama sa akin diba? Para naman mabawasan ang sakit na nararamdaman mo. Mula noong naging magulo ang takbo ng relationship ninyo ni Miguel, wala na akong nagawa para pasayahin ka." Malungkot na sabi ni Kate. Ramdam na ramdam ko ang pagtatampo niya.

"A-ano ka ba! Ako lang talaga itong lumalayo pero lahat naman ng effort mo appreciated eh." At saka ako humawak sa kamay niya. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at alangan na ngumiti.

"Masyado lang talagang komplikado ang lahat, Kate. Mula sa aming dalawa ni Miguel, hanggang sa amin ni Papa hanggang sa pamliya naming dalawa. Ayaw kong madamay ka pa." Dagdag ko.

"A-ano bang meron sa inyo ni Uncle?" Tanong niya. Napaiwas naman ako agad ng tingin.

"Wag na muna sana nating pag-usapan, Kate." Nakayuko kong sagot saka ako uminom muli ng milk tea.

"Pasensya na Erisse kung medyo makulit ako. Feeling ko kasi sobrang tagal na talaga nating di nagkausap at parang wala na akong alam sa nangyayari sayo." Si Kate ba talaga tong nagsasalita?

"Hahahaha! Ayos lang noh! Ako naman ang di sanay sa pagdadrama mo." Asar ko sa kanya.

"Concerned lang kasi ako!" Sagot naman niya. "Maiba ako. Buti talaga at nahila kita dito. Hindi lang kasi ang pakikipag-usap ko sayo ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon." Dagdag pa niya.

"Eh ano?" Weird talaga tong si Kate minsan eh.

"Kasi naman, nadelay-delay na ang photoshoot ninyo ni Soo Hyun Kim dahil nagpapaka-emo ka dun sa condo mo! Tandaan mong bongga ang offer satin ni... Ah nung ex mo. Hahaha!" Tawa pa niya.

"Nang-aasar ka pa talaga?" Taas-kilay kong sita.

"Tinatry ko lang gawing light yung atmosphere." Depensa pa niya.

 "Eh kailan ba yang photoshoot na yan?" Alangan kong tanong sa kanya.

"Dapat kasi last week pa to. Buti na lang at napakiusapan si Soo Hyun Kim. Hahaha! De, joke. Last week pa nga, pero buti na lang at pati siya busy rin." Sagot ni Kate.

Tumango-tango lang ako sa sinabi ni Kate saka humigop sa milk tea na in-order ko. "Shall we set the date?" Tanong ko pagkababa ko sa milk tea.

"I think it will be best for all of us kung sa Saturday natin gawin ang photoshoot. I think libre naman si Anthony nun. Tuesday pa lang naman ngayon so there's still time to prepare. Ako na lang makikipag-usap sa ex mo." Si Kate sabay kindat.

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon