Hello, para sayo ang update na ito. Enjoy! ;)
Short update.
Dinala ako ni Anthony dito sa isang Five Star Restaurant sa Makati. Ang ganda nitong lugar. Overlooking the city ang peg. Lalong gumanda ang view dahil sa iba't ibang color ng city lights. Ang relaxing ng view, perfect after a day of exhausting work.
Kanina pa kami kumakain at kanina pa rin hindi maalis ang tingin ko sa gwapong lalaki sa harap ko. Grabe, pati ba naman kapag kumakain, how can he manage to look so sexy? Medyo bad boy ang itsura niya pero nakakadala pa rin ang masculine looks niya.
Nakakamagnet ang ngiti niya. Bihira siyang ngumiti pero kapag ngumiti na siya, nakakamatay naman. Sobrang ganda lang pati ng ngipin niya. Ang kissable pa ng pinkish lips niya. Tapos ang tangos na ilong! Those eyes so tender and his manly scent I'd like to smell.
Ang swerte naman ng girlfriend nito. Hindi naman imposibleng may girlfriend to ngayon eh. Ang lakas din ng appeal. :">
"Busog ka na ba, Erisse?" Pati boses ang sexy talaga. Nakakakuryente lalo na kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko.
"Mukhang busog ka na nga." He flashed another sexy grin saka nagpatuloy sa pagkain. Mukhang amuse na amuse siyang makipagtitigan sa akin habang ngumunguya. Nakapangalumbaba pa ito.
Teka...
Nakikipagtitigan ba kamo siya sa akin?
Agad akong napayuko nang marealize ko ang nangyari. Nakatitig lang ba ako sa kanya all this time? Shemay Erisse, nakakahiya ka!! Feeling ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko. Buti na lang at nakayuko ako ngayon. Ano ba kasing iniisip ko?
"It's okay. I find it amusing." Then I heard him chuckled. Pati ba naman yon, ang sexy pa rin? At nasabi ko na bang ang hot niya? As in nagliliyab talaga. Yummy pa. Hehe. Waaa. Water, please?
Napalunok naman ako. Kung anu-ano pa ring iniisip ko. Ano ba naman ito. Feeling ko namumula pa rin ako. Napipi pa ako.
*KRIIIIIIIIING*
Wooh! Saved by the bell! May tumatawag sa akin.
"A-ah, wait lang ha." Kinakabahan kong sabi pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya kasi nagmamadali na akong pumunta sa powder room.
"Hello best friend?" Bungad ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa powder room.
"Erisse! Kumusta ka naman?" Tanong ni Kate na parang nag-aalala.
"Okay naman ako. Nakasurvive ako! Kailan mo ba balak umuwi? Hindi mo ba alam na miss na kita? At nasaan ka na?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.
"Wow daming tanong ha! Miss din kita! On the way na ko ngayon pauwi sa condo. Malapit na rin ako. Traffic kaya I took the chance to call you." Sagot naman niya sa akin. Hayy narelieve ako doon. Buti na lang at magkakasama na kami bukas.
"Yey! Ang dami kong kwento sayo eh!" Excited kong sabi sa kanya.
"Sige sige, I'll call you when I get home. Drive na ulit ako. Ingat ka. Nasaan ka nga pala?" Pahabol na tanong niya.
"Makati. Nagdidinner." Sagot ko.
"With whom?" Tanong niya sa akin, naimagine ko pang tumaas ang kilay niya. Hehe.
"Anthony." Tipid kong sagot. Feeling ko may iniisip na naman tong best friend ko.
"Ehem." Tumikhim pa! Sabi na eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/3667846-288-k324381.jpg)
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...