A/N: Si Miguel po sa gilid.
4 PM.
Dalawang araw na mula noong masugod sa ospital si Miguel dahil sa isang car accident.
Heto pa rin ako, iniisip na kasalanan ko talaga kung bakit siya naaksidente. Kitang-kita ko sa unconscious niyang mukha ang kakaibang sakit na nadarama niya.
Oo, sinilip ko siya nang sabihin ng doktor na safe na siya pero wala pang malay.
Hindi ko pa rin naman matitiis na hindi siya silipin lalo na't sobrang nagiguilty ako sa mga pangyayari. Hindi ko inexpect na hahantong sa ganon ang mga ito.
Sa gitna ng pag-iisip ko ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nakapatong sa desk ko.
1 message received
From: Anthony Del Castillo
Let's have dinner tonight. I'll pick you up at 7 PM. See you :)
Isa pa tong si Anthony...
Hindi naman masamang bigyan ko ng chance itong sinasabi sa akin ni Anthony. Kaso kasi alam ko sa sarili ko na half-hearted naman talaga ako sa pagpayag sa kanya eh kaya may guilt feeling pa rin akong nararamdaman.
Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko dahil sa mga naiisip ko. Ano bang gagawin ko?
Sa dalawang lalaki na ako nagkakasala. Kahit pa si Anthony mismo ang nagpresinta nito, hindi ko pa rin maiwasang isiping kinunsinte ko ang gusto niya. Hayyy Erisse naman kasi! Ang tanga tanga! Nagpapadala sa charm.
Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko dahil nababaliw na talaga ako.
Napatigil naman ako nang marinig ang pagbukas ng pinto ng office ko. Pagka-angat ko ng ulo ko ay nakita ko si Kate na papalapit sa akin.
Natulala lang ako. Ang ganda talaga ng best friend ko. Hehe.
Umupo siya sa isa sa mga couch sa office ko at nagsimulang bumuklat ng magazine at uminom sa kapeng dala-dala niya. Bakit kaya to narito? Eh office hours pa. Hindi kasi ito nagpupunta sa office ko kapag office hours, maliban na lang kung may appointment kami sa client namin o may business meeting.
"M-may nakakalimutan ba akong appointment natin ngayon, Kate?" Sa wakas nakapagsalita na rin ako!
"Oo, may dadalawin tayo." Sagot niya habang bumubuklat sa pahina ng magazine na hawak niya.
At talagang inisip ko pang mabuti kung sino yung dadalawin namin. Hala? May business deal ba kaming dapat puntahan? O may client kaming maysakit? Pero wala talaga akong maisip. Dapat pala nireview ko yung schedule ko ngayong week. Wala naman kasing niremind sa akin si Joanne.
"Ah... Ano... Kate...? W-wala kasing niremind si Joanne ---"
"Gising na raw si Miguel." Putol naman niya sa sinasabi ko.
M-Miguel? Parang nawala na naman ako sa ulirat nang marinig ko ang pangalan niya. Napa-thank God ako sa isip ko. Buti na lang at magaling na siya.
"E-ehem." Si Kate yan.
Parang bulang bigla na lang nawala ang iniisip ko kanina pa.
"Hindi ko alam na napapangiti ka na pala ng pangalan na yon ngayon." Amused na sabi ni Kate at inilapag pa ang magazine sa table katabi ng couch para matitigan ako.
Nag-sink in naman sa akin ang sinabi ni Kate kaya napatayo pa ako sa upuan ko nang magsalita ako.
"A-ano bang sinasabi mo? Masaya ako kasi ligtas na siya kaya hindi na ako dapat maguilty pa sa nangyari!" Sabay iwas ng tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romantik"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...
