21 - I don't know what to believe

521 6 2
                                        

A/N: Dedicated po sayo itong chapter na ito. Enjoy! :)

Nanginginig kong hinawakan ang magazine na nakapatong sa desk ng office ko. Tinitigan kong mabuti ang cover nito saka binasa ang nakasulat.

Bea Villafuerte: On getting married

I turned to page 42 and read the article about Bea. Lalong humigpit ang hawak ko sa magazine. Nagagalit ako. Naiinis ako. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko.

"Miguel and I are so much in love with each other. In fact, we can no longer wait for our wedding which will be held in three months time. But because we have faith in each other, we believe that the three month-wait is not that long. It's even worth it."

Pero sa tingin ko...

Naiinggit ako.

Naiinggit ako kasi hindi kami pwedeng maging ganito ka-open ni Miguel tungkol sa nararamdaman namin. Hindi pwede kasi alam ng lahat na engaged to be married na sila ni Bea. Hanggang hindi pa naayos ang tungkol sa kanila, mananatili pa rin akong nakatago sa shadow ni Bea.

Dapat ko na ba talaga siyang sagutin?

Mahal na mahal ko si Miguel at alam kong ganon din siya sa akin. Pero matitiis ko bang pagpiyestahan siya ng mga tsismis oras na malaman nila ang namamagitan sa aming dalawa?

Binagsak ko ang magazine sa ibabaw ng lamesa ko at humarap sa glass window. Hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyayaring komplikasyon sa buhay namin. Hanggang kailan ba ako magtitiis na ganito na lang ang mangyari sa amin?

*KRIIIIIIIIIING*

"Hello?" Sinagot ko ang tawag ng isang unknown caller.

"Good morning dear. Nagustuhan mo ba ang surpresa ko?" Tanong ng babaeng nasa kabilang linya. Sa boses pa lang alam ko na kung sino siya. Malamang ang magazine ang tinutukoy niya.

"Bea..." Iyan lang ang nasambit ko.

"Very, very smart dear Erisse!" Mapang-asar na sabi niya. Narinig ko pa ang marahan niyang pagtawa.

"What do you want?!" Kabado kong tanong sa kanya. 

"You know what I want! Do you want me to reiterate what I've told you before? Well, the magazine already speaks for it." Mapang-ahas niyang hamon. Hindi ako nakapagsalita. Ang sakit. Ang sakit dahil kailangan pa niyang ipamukha sa akin yon.

"I told you to stay away from him! Everyone knows we're getting married in three months time! In three months time Erisse! I won't let you ruin it." Galit na galit niyang pagtuloy sa sinasabi niya.

"He loves ME." Inemphasize ko ang salitang "ME" para malaman niya ang lugar niya.

"Hahahaha! Desperate bitch. Whether you like it or not, his so-called love for you won't change anything. He can't even call our wedding off. Can't you understand it? You have NO place in the picture." Cool niyang sagot. Naiiyak na ako. Hindi ko alam kung anong dapat isipin. Tama siya kasi mukhang wala naman kaming magagawa ni Miguel para itigil ang kasalang magaganap. At iyon ang masakit.

Masakit kasi akin siya pero hindi ko siya magawang angkinin.

"You can have his name. You can have the blessing. But that can't make him love you. You will always be reminded that he did it because he has to. It's a wedding out of business and not a wedding out of love and willingness. I pity you for putting yourself down in order to marry him." Paglalakas-loob kong sagot sa kanya. Alam kong talo na ako sa umpisa pa lang pero hindi ko hahayaang tapakan pa niya lalo ang pagkatao ko.

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon