"HINDI NGAAAA?!" OA na sigaw nitong best friend ko sa akin. Pinigilan kong magulat sa napakaingay na si Kate.
Itinuloy ko lang ang pagtatype sa laptop ko na para bang wala man lang akong narinig na sumigaw sa akin. Chill lang, may trabaho pa ako pero nandito itong si Kate, nanggugulo. -_-
Pero dahil nga makulit itong si Kate ay pumalo pa siya sa desk ko dito sa kwarto ko. Sabay daw kaming pumasok dahil wala na siyang aasikasuhin, bukas na kasi ang photoshoot for summer collection eh ayos naman na ang lahat.
"B-bakit?! Bakit naman... hindi tinuloy ni Miguel?!" Isinara niya pa ang laptop ko.
"HEY!" Sigaw ko sa kanya. Napahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Napakaaga ang hyper ni Kate. 6AM pa lang.
"Tell me!" Sabi niya sa akin habang nakapatong ang kamay niya sa nakasara kong laptop at naka-lean malapit sa mukha ko. Ang kulit niya. -_-
"Teka nga, ang lakas ng boses mo! Aga-aga pa baka magising sila papa! At tsaka, ano ba yang sinasabi mo ha? Parang sobrang nanghinayang ka pa nung malaman mong hindi namin ginawa... yon." Pahina ng pahina kong sabi sa kanya. Umayos naman si Kate at umupo sa tabi ko.
"Eh kasi... Akala ko talaga may nangyari sa inyo. Tapos biglang malalaman ko, wala pala." Sabi niya sa akin.
Tama, walang nangyari sa amin ni Miguel. Ganito kasi yon.
FLASHBACK
He slowly unzips my dress while planting kisses on my neck. I can't help but crave for more. I love the way his touches bring tingle to my whole body. I rub my hands against his hair and kiss him passionately, too.
We fell onto my bed without cutting the kiss we are sharing. Our kiss becomes as fiery as we have never expected it to be. When our eyes met, I can never explain how eager the butterfles are while fluttering their wings. Wala akong ibang naiisip kung hindi siya at ako at ang moment namin ngayon. I undo his buttons one by one, slowly. Yes, slower.
He caresses my cheeks, my hair and my lips with his.
"I love you." Bulong niya sa akin.
"I love you, Miguel." Sagot ko sa kanya sa pagitan ng halikan namin. Pinutol namin ang halik pero nakatitig pa rin kami sa isa't isa. And before I knew it, he zipped my dress.
May pagtataka sa mukha ko nang gawin niya yon. Alam ko namang hindi namin pinlano at pareho kaming nagpadala sa emosyon pero hindi ko mapigilang mapangiti sa ginawa niya. After all, he wouldn't be Miguel kung hindi siya gentle.
"I am not sorry for what had just happened but I want you to know that I am willing to wait for the right time." Nakangiti niyang sabi sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Napangiti na rin ako sa kanya at saka ko siya niyakap ng mahigpit.
END OF FLASHBACK
"Ang bait naman talaga ni Miguel, oh." Dreamy na sabi ni Kate sa akin. Natatawa naman ako sa itsura ni Kate. Ilang sandali pa'y tinawag na kami ni Manang para kumain ng breakfast. Maaga akong aalis ngayon kasama itong si Kate dahil tutulungan niya ako sa pag-aayos ng panibagong photoshoot for our bridal collection. Syempre kailangang maayos to as early as possible.
Wala namang kaming problema sa paglalakad ng papers dahil marami namang connections. Buti na lang pala I didn't cut my ties with Daniel, ngayon bongga ang mga ads namin dahil sa company nila. We still do our own photoshoots para sa stores and magazines pero pagdating sa television, billboards and the like, I leave it to him.
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Roman d'amour"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...
