I dedicate this update to you kasi sobrang natuwa ako sa comment mo at pareho nating bet si Papa Anthony. Hehe. Thank you po ulit!
Miguel's POV
"By the way Mr. Ocampo... You may now leave." And that's it. Akala ko napigil ko na ulit ang luhang kumawala sa mga mata nang marinig ko mismo kay Erisse na wala ng pag-asa pang magkabalikan kami...
I was wrong.
Parang sinabi na rin niya na umalis ako sa buhay niya nang sabihin niyang pwede na akong makaalis. Wala akong nagawa. Gusto ko ulit siyang habulin at yakapin gaya ng ginawa ko kani-kanina lang.
Pero heto ako, napako sa kinatatayuan ko habang tinititigan ang kanina pang nakasarang pinto kung saan pumasok si Erisse.
Ang tanga tanga mo Miguel. Bakit hindi mo siya nagawang pigilan?!
Nakatulala pa rin ako, hindi pansin ang luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko. Di alintana ang sakit ng sampal niya sa akin kanina. Kasi alam ko, deserve ko ang sampal na yon.
Kulang pa ang ginawa niya para makabayad ako sa pananakit na idinulot ko sa kanya three years ago. Kulang pa ang pananampal na yon dahil hindi matutumbasan ng marahas na pagdampi ng kanyang kamay sa mukha ko.
Alam ko mali ako.
"M-Miguel?" Hindi ko napansin si Kate sa tabi ko. Nagulat na lang ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Hindi ko rin masisisi si Kate kung galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon.
Nangako ako sa kanya. Nangako akong hindi ako tutulad sa ginawa ni Jake sa kanya. Nangako akong aalagaan ko si Erisse at walang ibang gagawin na makakasakit sa kanya.
Pero anong ginawa ko?
Kinain ko lahat ng pangakong yon. And I've always suffered because of the wrong decision I made.
But can you blame me if the only thing I was thinking of that time was Erisse's future?
"I-I'm sorry K-Kate. I'm sorry Kate... I-I love her so much... I-I can't affort t-to lose her..." Hirap na hirap akong magsalita dahil sa paghikbi ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tuluyan na akong mababaliw kapag tuluyan na siyang mawawala sa akin.
"I-I don't know Miguel." Narinig kong nag-alangang sabihin ni Kate sa akin at saka naglakad papunta sa glass window ng office ni Erisse. Nakatalikod pa rin siya sa akin.
"What I know is... She loves you so much..." Medyo nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Totoo ba ang naririnig ko? M-mahal pa rin ako ni Erisse?
"...But she just can't trust you anymore." I guess this is really it.
Sinasabi ko na nga bang hindi magiging ganito kadali ang mga pangyayari. Simula't sapul alam kong magiging ganito kasakit ito pero ginawa ko pa rin.
"I love her so much... That I just can't let her go..." Iyon na lang ang nasabi ko at saka ako tuluyang umalis sa office ni Erisse at sumakay ako agad sa kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng isip ko pero bahala na.
Hindi ko kayang mawalay siya sa akin. Isipin ko pa lang, para na akong namamatay. Sobrang mahal ko siya. Totoo naman lahat ng pinakita ko sa kanya noon. Ang effort na ginagawa ko sa kanya, walang halong pagpapanggap ang mga iyon. Wala akong ibang balak kung hindi ang makasama sila ng mga magiging anak namin habang-buhay...
Hanggang sa...
Three years ago, two weeks before our wedding...
Nakatanggap ako ng phone call galing kay mommy at pinapapunta niya ako sa States dahil urgent daw. At dahil mapilit itong si mommy, wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto niya. Laking pasasalamat ko talaga at sobrang understanding ni Erisse dahil pumayag siya kahit na three weeks na lang ay ikakasal na kami.
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...