3 - Miguel Ocampo

895 16 6
                                        

A/N: Katuloy pa rin po ito nung flashback ni Erisse sa previous chapter. Dedicated po sa kanya, kasi sobrang natutuwa ako sa story niyang IMMA. :)

Si Miguel po yung picture sa gilid. 

Hindi ko akalain na makikita ko siya ng malapitan. Actually, hindi naman talaga ako natatakot. Nagulat lang talaga ako nang makita ko siya dito. Medyo kita pa naman kasi sa kinauupuan ko ang place kung saan siya nakatayo kanina.

Nanlaki ang mata ko kasi...

Kasi...

Kasi...

Kasi naman hindi ko alam kung nasa harap ko na siya kanina pa at nakita niya akong sumulyap sa lugar kung saan siya nakatayo. WAAAA!!! Nakakahiya talaga.

"Did I startle you?" English yun ah. Ang pogi naman neto. Imbes na stalker ang itawag ko sa kanya kasi tinitignan niya ako, sige na nga, admirer na. Hehe. Good choice, pre. Maganda kaya ako.

Matatawa na sana ako sa naiisip ko kung hindi lang bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Grabe any minute pwede na akong matunaw dito. Ang ganda ng mga mata niya. Walang bakas ng pangtitrip at kaarogantehan.

Parang sobrang gentle niya.

LUB.DUB.

Omg. Eto na naman po yung puso ko. Leche wala nang ginawang tama to ngayong araw. Masyado naman akong nalunod sa view kaya hindi ko napansin na ang lapit na pala ng mukha niya sa akin. Two inches apart naman yon. 

SHET! Ganon kalapit. Bumalik bigla ang kaluluwa ko sa lupa kaya napasandal ako bigla sa upuan ko. Kitang-kita ko naman ang pagngiti niya. Omg, pwede na ako himatayin. Mas lalong siyang gumagwapo kapag ngumingiti.

Ito na kaya ang tinatawag na...

Crush? :)

Nahawa ako sa ngiti niya kaya napangiti din ako at napayuko.

"So I DID startle you." Ang gwapo ng boses! Nakakakilig!

Nakangiti ko siyang tinignan at napansin kong titig na titig siya sa akin. Dalawang beses pa nagblink ang mata ko pero ganon talaga ang tingin niya sa akin.

"A-ah, yeah." Sa wakas nakapagsalita rin ako. Pero napatingin ako sa table kasi hindi ko kinakaya yung titig niya sa akin. Kinakabahan ako, nauutal tuloy ako.

"I'm sorry, I didn't mean to." Sabi niya sa akin na pilit inihaharang ang mukha niya sa tinitignan ko. Eh sa table kasi ako nakatingin kaya ihinilig niya ang ulo niya sa parte ng table kung saan ako nakatingin pero nakatitig siya sa akin at saka siya ngumiti. Pati yung mata niya nakangiti.

"Ang cute naman neto. Sarap pisilin ng pisngi." Akala ko iniisip ko lang ito, sa sobrang pre-occupied ng utak ko, nabanggit ko na rin pala ng mahina. Pero loud enough para marinig niya. 

Nakita ko na nagsmirk siya pero hindi pa rin nakaalis ang tingin sa akin.

"I heard that!" then he chuckled. Grabe pati pagtawa ang gwapo.

Napahiya ako dun ah. Namula naman tuloy ako at napayuko na lang ulit. Buti na lang dumating na yung order ko kaya kinuha ko muna.

Pagbalik ko nakita ko tinitignan niya ang invitation para sa birthday ni Daniel. Umupo ako at nagsimulang humigop sa Lemon Yakult Mousse Spin ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Shet lang! Di man lang siya nag-iwas ng tingin. 

"Ako nga pala si Miguel. Miguel Ocampo." Ngumiti ulit siya at inabot ang kamay ko para makipaghandshake. 

"Erisse. Erisse ---"

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon