Erisse's POV
Araw ng photoshoot. Araw na makakasama na namin yung gwapong model na kaibigan ni... Ni Miguel. Araw kung kailan makikita ko na naman siya.
Bakit ba niya kailangang makipagtie-up sa business namin ni Kate? Ang labo niya. Siya na yata ang pinakamalabong nilalang na nakilala ko sa mundo... Bukod sa sarili ko.
Oo inaamin ko na. Malabo rin ako. Bakit ba? Kasi matapos ang gabing... *gulp*. Matapos ang gabing nakasama ko si Anthony ay bigla na lang akong nawala na parang bula at hanggang ngayo'y di pa rin nagpapakita sa kanya. Minu-minuto na yata ang ginawa niyang pagtawag sa akin. Maging sa text hindi ako tinantanan. May balak na rin yata siyang mag-apply bilang security guard sa condominium kung saan ako nakatira. Pati na rin sila manang, inaabala niya sa bahay. -_-
Eh kulang na lang, pagbaliktarin niya ang Manila at Makati para lang makita ako. Muntik pang makarating sa Spain. Niloko kasi ni Kate na nagpunta ako doon. Walang anu-ano'y magpapabook na raw siya ng ticket.
Can you blame me? Babae rin akong sobrang gulo mag-isip. Magalit na kayo sa akin pero wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko. Siguro yung... Yung nangyari sa amin ni Anthony? It was never meant to happen in the first place. Sana hindi na lang ako sumama sa kanya. Maling-mali. Iniisip ko lang din naman si Anthony. Ano bang mararamdaman niya? Sa tingin niyo ba mas gagaan ang loob niya kapag nag-stay ako kasama niya pero alam niyang hindi ko ginusto ang nangyari sa amin? Na hanggang sa mga sandaling iyon... Sa bawat halikan namin. Sa bawat haplos niya sa akin... Si Miguel pa rin ang naiisip ko?
Sa tingin ko kasi hindi talaga tama. Oo nga't dapat akong magpaliwanag sa kanya at hindi ko dapat siya tinataguan ng ganito pero... Pwede bang bumwelo muna? Sa ilang araw na pagkawala ko sa buhay niya'y tingin ko ay pinakatahimik na sandali ng buhay ko.
Sana... Sana hindi na lang dumating ang araw na ito.
Ang mga sandaling ito. Ang mga awkward na pagpapakiramdaman. Heto ako't katabi si Kim Soo Hyun, nakadamit pangkasal. Ang damit na inayawan ko na matagal na panahon na. Hay, I can't believe I'm wearing one now. At si Miguel pa talaga ang nagpasuot sa akin neto.
Hindi ako makatingin sa harap ko dahil dalawang pares ng mata na ayaw kong makita ang walang patid na nakatingin sa akin ngayon.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kim Soo Hyun.
"Y-yes. I'm fine. It's just... hot." Mukha namang naniwala siya sa sinabi ko.
"Yes, I think so too. The lights make it even hotter." Sabi pa niya na aktong nagpapahangin gamit ang kamay niya. Napangiti tuloy ako, para siyang bata. Pero pansin kong kabadong kabado yata siya kapag nakatingin ako sa kanya.
"What about you? You look uncomfortable." Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at awkward na ngumiti saka umiwas ng tingin.
Ano bang meron dito?
"I'm... I'm fine. I'm just amazed that I finally met you." Nakasmile niyang sagot sa akin. Napangiti pa ako lalo dahil sa sinabi niya.
"I'm pleased to meet you. You really are cute in personal." Compliment ko sa kanya at nakita ko pa siyang nagsmile na sobra. Nawala yung mata. Hala cuteness overload.
"Can I just say, you are so beautiful." Sincere niyang sabi sa akin. He looked me in the eyes kaya! Kilig much. Hala oo na malandi na naman.
"Thanks." Tipid-tipiran kong sabi sa kanya na mag kasamang smile.
"What's taking us so long? We are paying the studio per hour so we better start now!" Napalingon kaming dalawa ni Soo Hyun kay Miguel. Nagulat kami sa inasal niya. Ang alam namin nagseset up na, bakit ba siya sumisigaw?
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...
