32 - When I'm with him, I am thinking of you

270 5 1
                                    

Para sayo na one month ago nang nagcomment pero ngayon ko lang nabasa, enjoy! :)

Erisse's POV

Sa ganitong pagkakataon, hindi ko alam ang gagawin ko. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko. Nananaig ang kagustuhan kong makipagsabayan sa mga mapupula niyang labi. Ang mapupungay niyang mata'y tila nagsasabi sa aking tama lang ang ginagawa namin.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay ni Anthony sa aking dibdib. Natigilan ako.

"M-may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Anthony sa akin.

"W-wala. N-nabigla lang ako." At sinubukan ko pang ngumiti sa kanya.

Buti na lang medyo madilim, kung hindi, sigurado makikita niyang sobrang pula ng mukha ko ngayon. Ang tahimik pa naman. Feeling ko rinig niya ang kabog ng puso ko. Kasi naman eh...

"First time mo ba?" medyo alangan na tanong niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko. Sino bang hindi? Come to think of it, first time ko nga ba? Biglang nagbalik sa akin ang pangyayari noong birthday ko. Kami ni Miguel... Muntik na... Pero hindi naman tinuloy pareho. Lalong namula ang mukha ko. Ramdam kong sobrang init na ng pakiramdam ko. Hindi ko na tuloy alam kung anong pumapasok sa isip ko nang biglang...

"I'll be gentle." marahan niyang sabi at saka ako hinalikan muli.

P-pero bakit kahit si Anthony ang humahalik sa akin ay nakikita ko pa rin si Miguel sa isip ko. Kahit sa bawat pagitan ng aming halik sa isa't isa'y hindi pa rin nawawala ang imahe ni Miguel. What the hell is happening to me?

Inihiga ako ni Anthony at pinaliguan ng mga halik. Hinagkan niya ako bago bumulong sa akin ng...

"I love you Erisse." ramdam ko ang sincerity.


Pero hindi ako makasagot sa kanya. Walang salitang namutawi sa bibig ko. Kahit gusto kong tugunan ang sinabi niya sa akin ngayon lang ay tila pinipigilan ako ng katawan ko.

"Is something wrong?" tumigil na pala si Anthony sa paghalik sa akin. Hindi ko man lang napansin. Masyado akong pre-occupied.

"H-huh?" Pati pagsagot ng tama hindi ko na rin magawa. Ano bang nangyayari sa akin? May pa make love make love to me pa akong nalalaman kanina. Nganga ako ngayon.

"Okay lang kahit hindi natin ituloy." Sabi ni Anthony nang nakangiti.


Dafuq? Saan ka nakakita ng ganitong lalaki diba? Yung turn on na turn on na, ready na talaga tapos siya na mismo ang magsasabi okay lang hindi ituloy dahil nakita niyang bothered yung babae? GISING ERISSE! Yan ba ang lalaking balak mong pakawalan dahil sa ex mong paulit-ulit ka nang niloloko?

"No. Ituloy natin." Sabi ko. Halatang nagulat si Anthony. Pati ako nagulat din sa sinabi ko. Nababaliw na nga yata ako.

"Are you sure?" Tanong niya sa akin na may halong pagtataka.

"Oo naman. May iniisip lang kasi ako. Sabi kasi nila... Ahm... Masakit daw?" Awkward kong tanong.

Napahagalpak naman si Anthony sa kinauupuan niya. Pati pagtawa niya sobrang sexy talaga. Hay napakaswerte mo Erisse. Kaya tigil-tigilan mo na ang pag-iisip dyan kay Miguel dahil wala kang mapapala. Etong lalaking nasa harap mo ngayon, siya dapat ang pagtuonan mo ng pansin. Inaalay na nga niya mismo ang sarili niya sayo, ikaw pa ang umaayaw. Sinuswerte ka teh?

"You really are the cutest." Yan na ang huli kong narinig kay Anthony at saka na niya ko sinunggaban. HAHA! Feeler eh. Sana maging magical ang gabing ito. Magical para matanggal na rin ng magic ang sakit na dinulot sa akin ni Miguel.

But when Anthony entered my soul, I shed a tear.

One single tear is enough to tell me I haven't moved on yet.

Miguel, bakit?

A/N: Sorry po sa napakatagal at napakaikling update. Update soon. :)

*creampuff*

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon