A/N: Pretty Erisse sa side. ;)
One month.
One month na palang nanliligaw si Miguel sa akin. I must admit, he became sweeter and more protective. I don't know. Yun kasi ang nararamdaman ko sa kanya.
Saan ka naman nakakita ng client na personal pa mismong sumasama sayo parang mag-ayos ng mga kailangan para sa company mo? And kapag wala si Kate, si Miguel na mismo ang naglalakad ng mga papers na kakailanganin para sa nalalapit na fashion show.
Dinaig pa niya si Joanne. Siya na kaya umako ng trabaho namin dito? Bilhin na niya yung kumpanya. Haha. Tapos nung isang araw, nagkasipon lang ako, hindi na ako pinapasok. Inutusan pa si Jake na samahan si Kate sa office eh may trabaho din kaya yon.
Nagpunta naman siya sa condo at pinagluto pa ako ng soup na si Jake pa raw mismo ang nagturo at pinag-aralan naman niyang mabuti para sa akin. Ang daming gamot na binili nakakaloka. Hindi pa ba siya nagkakasipon sa tanang buhay niya?
Pero sa kabilang banda, sobrang natutuwa ako dahil nakikita ko ang effort niya. Kahit naman noong nagkita ulit kami sa homecoming hanggang sa araw na payagan ko na ulit siyang manligaw sa akin, ramdam ko namang mahal na mahal talaga niya ako e.
Si Bea bumalik sa States dalawang araw after siyang ipahiya ni Miguel sa harap namin. Sabi ni Miguel, sabi daw sa kanya ni Bea may project daw siya doon kaya babalik siya. Never heard anything about her since then.
"Pwede na tayo magstart next week sa photoshoot ng summer collection, darating na rin si Anthony mamayang gabi eh." Naagaw ni Kate ang atensyon ko nang magsalita siya. Napalingon ako sa kanya na naglalakad pabalik dito sa table namin.
Nandito kami ngayon sa Starbucks. Hinihintay din namin dumating si Jake at Miguel dahil sasama daw sila sa site ng photoshoot next week then magdidinner after.
Tumango lang ako sa sinabi ni Kate at uminom muli sa Frappuccino ko. Umupo si Kate sa harap ko at kumain naman ng Mango Yoghurt Cheesecake niya.
Speaking of Anthony... Ang tagal ko nang walang balita sa kanya. Isa pa yun eh.
FLASHBACK
2 days after ng dinner sa restaurant ni Jake...
Hinihintay ako ni Miguel sa labas ng building kasi sasamahan niya akong magshopping ngayon, sale kasi eh. Kaya naman, inayos ko na ang mga gamit ko at kinuha ang bag ko. Tumingin pa ako sa salamin ko bago ako tuluyang lumabas ng office.
Pagkalabas ko ng office ko ay nakita ko ang isang seryosong Anthony na nakatayo at naghihintay sa akin.
"Anthony!" Bat ko sa kanya at nagdesisyon akong lumapit pero ganon pa rin ang aura niya. Bakit kaya?
"Hindi mo pinasabi kay Joanne na nandito ka pala. Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko sa kanya nang mapansing wala siyang balak magsalita.
"Erisse..." Mahina niyang sambit sa pangalan ko pero bahagyang nakayuko pa rin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
"M-may problema ba?" Alangan kong tanong sa kanya. At yun nga, nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakita kong parang wasted ang itsura niya. Parang ilang araw na siyang hindi nagsheshave, mas magulo pa ang buhok niya ngayon eh. Parang ang ilang gabi na rin siyang hindi natutulog dahil ang laki ng eyebags niya at pupungay-pungay pa ang mata niya. Napansin naman niya ang pagkabigla ko.
Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. Sa totoo lang naiilang talaga ako pag nasa ganitong sitwasyon kaming dalawa. Pero hindi ko na tinabig ang kamay niya. Hinihintay ko ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...
