26 - When things seem so wrong

723 10 1
                                    

Kate’s POV

Isang linggo.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang iwan kami ni Erisse sa restaurant. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siya tumakbo palayo. Ni hindi man lang siya natigil sa pagtakbo kahit ilang ulit pa namin siyang tinawag ni Miguel.

Itinuloy ko ang photoshoot kinabukasan kahit na wala siya dahil alam kong kung ano man ang dahilan niya ay mabigat yon. Hinding hindi naman ako basta-basta iiwan ni Erisse ng ganon-ganon na lang. Maging kay Miguel, wala rin akong balita.

Pati si Anthony nag-aalala. Wala naman akong maisagot sa kanya dahil wala rin naman akong alam. Isang linggo akong di kinontact ni Erisse at sobra na rin akong nababahala.

“What the hell is going on?” Nakapameywang kong tanong sa boyfriend ko. Ang weird niya kasi lately. Oo, mula nang gabing yon, sobrang weird na niya sa tuwing nagtatanong ako sa kanya tungkol kay Miguel… Kung ano bang balita sa kanila ng best friend ko… O kung may balita ba man lang si Miguel sa kanya.

I got this feeling that Jake knows something. Gusto ko lang talaga ito ma-confirm.

Inalis niya ang nakahilamos niyang mga kamay sa mukha niya at napaangat siya ng tingin sa akin. Seryoso ko naman siyang tinitigan. I can no longer endure another day nor another week of cluelessness. I have to find out what’s bothering everyone.

Alangang ngumiti si Jake sa akin at saka ito nag-iwas ng tingin. “W-what are you talking about?” Sabi niya pagkatayo. Tumungo siya sa bintana ng condo niya at saka pinagmasdan ang napakalakas na ulan.

“Come on, Jake! I know you know something.” I crossed my arms on my chest, my eyes never left his back. I can sense na natetense siya sa mga sandaling ito. He looks stiff.

He let out an awkward laugh then turned to me.  Nakatingin na siya sa akin ngayon pero alam kong puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Hindi naman ako nagpapigil sa pagtitig sa kanya. Lalo ko pa siya tinitigan hanggang sa nakarating na siya sa harap ko.

“Baby…” He uttered huskily before holding my arms. Nakatingin pa rin siya sa akin at ganon din ako sa kanya. He slowly kissed my forehead na siyang dahilan ng marahan kong pagpikit. Namiss ko siya…

WAIT!

I know what he’s up to. Kailangan niya ako idistract para hindi ko na siya kulitin. Nice try, baby… Pero sorry ka na lang, desperate na talaga akong malaman kung anong nangyayari.

Unti-unti akong humiwalay sa kanya at saka ko siya nginitian. “That’s so sweet of you baby…” Malambing kong sabi. Tila nabura ang pag-aalala sa mukha niya.

“Unfortunately, hindi ako basta nadadala sa ganyan ngayon.” Seryoso kong sabi na naghatid ng konting kadiliman sa mukha niya. “Now, tell me.” Pinandilatan ko siya ng mata.

“Tell you what?” Maang-maangan niyang tanong sa akin.

“Anong alam mo sa nangyayari kay Erisse?” Diretso kong sabi sa kanya.

“H-huh? Ano bang sinasabi mo?” Tumalikod siya sa akin, tumungo sa refrigerator at naglabas ng pitsel ng tubig. “K-kay Miguel nga wala akong balita… K-kay Erisse pa kaya?” Utal niyang sabi saka ininom ang tubig na isinalin niya sa isang baso.

“Don’t you trust me?” Inis kong tanong sa kanya. Umupo ako sa sofa at kumunot ng noo.

“I trust you!” Agap niyang sagot.

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon