Hello, dedicated to sayo. God bless! :)
A/N: Si Erisse po sa gilid.
"Yes Sandra?" Sagot ni Kate sa phone call ng secretary naming si Sandra. Sa merged business namin yan. Hehe. Kami na maraming business. Nandito kami ngayon sa office naming dalawa located sa building ng sariling business ni Kate.
"Really?" Medyo surprised niyang tanong kay Sandra. Waaa sana naman alam ko ang pinag-uusapan nila diba? Ni wala nga kaming profile ng client namin ngayon. Ang mysterious naman neto.
Wala naman kaming magagawa kung yon ang request nung client. Besides, nakausap naman na siya ni Sandra so I don't think creepy siya.
"Then send him in now. Thank you." Him? So lalaki pala ang client namin? Kasabay naman ng pagbaba ni Kate sa telepono ang pagbukas ng pinto ng office. Unti-unti kaming napaharap sa kanya.
Halatang pareho kaming gulat ni Kate pero nauna siyang nakabawi. Gumuhit ang isang ngiti sa labi niya at tumungo kung saan nakatayo ang client at saka ito winelcome. Ako naman nakatulala pa rin hanggang sa mapayuko ako. Pag-angat ko ng ulo ko ay binigyan ko rin siya ng ngiti at saka siya winelcome.
Ano bang balak nito? Dumaloy pa rin ang kakaibang kuryente sa mga kamay ko nang maghandshake kami.
Sa may couch kami umupo. Magkatabi kami ni Kate tapos katapat namin siya. Sa pagitan namin ay isang centerpiece table.
Tumikhim muna si Kate bago nag-umpisang magsalita. Kasunod naman nito ang pagdadala ni Sandra ng mga kape sa amin. Para maibaling ang atensyon ko ay humigop muna ako sa aking kape.
"Coffee?" Alok ni Kate sa kanya. Tumango lang naman siya kay Kate at saka ngumiti sa akin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Pero hindi ako ngumiti. Hindi ko alam kung bakit.
"So... Mr. Miguel Ocampo, What is it that we have to settle?" Tanong ni Kate nang magdaop ang kamay niya at saka rin naghiwalay.
"My company would like to supply your company with imported textile exclusively produced by yours truly." Umpisa ni Miguel. Oo si Miguel ang client namin. Magaling na pala siya. At kailangan ko na ring malaman kung anong pumasok sa kokote ng lalaking ito.
Nasurprise kami pareho ni Kate sa narinig namin kaya nagkatinginan kami at feeling ko pareho naman kami ng naiisip. Why would he want to supply our business? Ang business na tinutukoy niya ay siyang isa sa mga business ng family niya sa States. Why would his mother invest in our company?
"Ahm... Well, not to be rude... M-Miguel. But may we know what's with the sudden shift of decision?" Ang tinutukoy ni Kate ay yung nangyari dati. Nung hindi pa kasi nakakabalik si Miguel at nag-uumpisa pa lang kami ni Kate, tinry na niya i-contact ang family business nila Miguel na ito para maging supplier namin. Pero sad to say, they declined our offer.
Hindi ko rin naman maisip kung may madudulot ba kaming masama sa magiging business nila eh for the record, kami naman ang bibili ng products nila.
Naisip tuloy namin na ayaw nila ng connections sa akin. Todo sorry pa talaga ako kay Kate noon kasi feeling ko ako yung dahilan kung bakit hindi namin sila nakuha as supplier. Para bang namemersonal sila. Pero dahil mabait ang best friend ko, sabi niya hayaan na lang daw yon at marami pa kaming makukuhang worth wagering on.
"It's my decision and my parents and I did not go through an argumentation for this. Observing how your business boomed for like just how many months and all that, I gave them a bargaining chip." At mula sa pagtingin ko sa kape ay napatingin na rin ako sa kanya. I tried my best para mamaintain ang poker face ko pero feeling ko hindi ko maitatago na may mga iniisip ako ngayon.
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...