A/N: Gusto ko lang po magpasalamat sa mga nagbabasa, nagvovote, nagcocomment sa story na to at nagfafan sa akin. God bless!
"You want me to be your photographer." Pag-confirm ni Anthony nang sabihin namin ni Kate sa kanya ang tungkol sa magaganap na photoshoot in three months. Matagal-tagal pa siya pero kailangan kasi mapagplanuhan ng mabuti ang lahat.
Kung tutuusin, maikling panahon lang ang three months para sa ganitong event. Mauuna muna kasi ang summer collection namin sa April. Pagkatapos ay ang bridal collection namin on May to June. Magdedesign kami ni Kate ulit although may mga design na kami noon.
Kailangan syempre i-fit ang mga design sa type ng tela na gagamitin. Syempre, kasama na doon ang isusuot ni Soo Hyun Kim. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko dahil crush ko na talaga siya noon pa. Super cute at charming kasi niya.
Nandito kami ngayon nila Kate at Anthony sa office ng business namin ni Kate. Nakaupo si Kate na nambubuklat ng magazine sa isang couch at sa kabila nama'y si Anthony na umiinom ng juice. Ako nama'y nakatayo malapit sa desk at may hawak-hawak na sketch pad.
"Oo. I've seen how great your photos are." Pagkumpirma ni Kate na nanatiling nakatingin sa magazine na binubuklat niya.
"Exactly. I really admired those shots you took during my photoshoot. Not that I was your model. It's just that, it really defines the word 'art'." Puri ko naman kay Anthony habang naglalakad patungo sa upuan sa likod ng desk saka ako umupo.
I saw him smirked before I finally started to browse through the sketches Kate and I had for the summer collection.
"Thanks. In photography, the most difficult photoshoot is that of a glamour photography, in which the subject is a human." Napatingin kami ni Kate sa kanya nang magsalita siya. Nacurious kami kung anong sasabihin niya. Then he met our gaze.
"And the secret to a successful glamour photography is..." Hinihintay namin ang bawat salitang sasabihin niya then we saw him smiled.
"...is to fall in love with your subject. And I did just that." Explain niya sabay inom muli ng juice at nagsmile sa akin. Nakita ko namang ngumisi si Kate sa sinabi ni Anthony. Naramdaman kong uminit ang mukha ko kaya unti-unti akong yumuko, at nagpatuloy magbrowse sa sketch pad na nakalagay sa desk.
Binalot naman ng katahimikan ang office. Hindi rin kasi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Feeling ko nahihiya ako sa kanila ni Kate.
"I wonder why he wanted to see you in a wedding dress." Out of the blue na tanong ni Anthony. Biglang kumunot ang noo namin ni Kate nang magkatinginan kami. At pagkatapos ay napatingin kami sa isang mukhang inosenteng si Anthony. Kate and I are not naive to not know who he is pertaining to.
"How did you know that Miguel is our client?" Tanong ni Kate na ngayo'y nakatingin na kay Anthony.
"Well, nandito kasi ako kahapon to visit the two of you but I guess you had your business meeting with him that time. I didn't mean to hear your conversation. It's just that the door was a bit opened. After hearing what he said about the deal, I immediately left. I'm sorry about that." Explain ni Anthony.
"No, it's fine. Malalaman mo rin naman talaga." Sagot naman ni Kate sa kanya saka siya ngumiti dito. Tumingin naman si Anthony sa akin kaya nginitian ko siya ng medyo pigil saka muling yumuko at inatupag ang mga sketches.

BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...