4 - You don't deserve me

874 13 2
                                    

A/N: Dahil pampa-good vibes ko yung story niyang Apartment 143, dedicated sa kanya to :)

Magazine cover sa gilid.

"Best friend, napakasexy ha." Bungad ni Kate nang pagbuksan ko siya ng pinto. Nabanggit ko na bang dito ako sa condo ko ngayon? Kung hindi pa, ayan. Mas malapit kasi sa work.

"Syempre, para saan pa ang pagiging magazine model?" Sagot ko sa kanya habang nag-aayos ng buhok sa harap ng salamin. 

Nagkibit-balikat na lang siya at nagdiretso sa sofa. Habang ako ay indecisive sa magiging ayos ng buhok ko, si Kate naman ay nagbubuklat ng magazine kung saan ako ang cover ngayon. Bukod kasi sa pagiging model ay kasosyo ko na si Kate ngayon sa clothingline naming dalawa. Syempre best friends talaga kami, kaya yan ang naisip naming business.

Si Kate naman ay nagpopose din pero hindi masyado. Madalas siyang kuning model ng mga beauty shop. Pareho kaming maganda eh.

After ng heartless escape na drama ni Miguel sa buhay ko noon ay si Kate na lagi ang kasama ko. Hindi pa nabubuo ang business namin ni Kate noon though we're both 24 that time. Medyo focused muna siya business ng family nila at ako naman sa business ni papa. After one month kasi ng pagluluksa ko kay Miguel eh pinagtulakan ako ni Kate na lumipad papuntang Spain para makasama ko ang papa ko.

Si manang nama'y pinauwi ko na muna sa kanila kaya pero nangako ako na kahit wala ako sa Pilipinas eh suswelduhan ko pa rin siya. Kaya naman struggle ang unang tatlong buwan ko doon sa Spain. 

Natuwa si papa nang malaman na ganon na nga ang determinasyon kong iahon ang business namin. Medyo ayos naman na kasi siya talaga, pero kailangan pa rin masustain ang increase ng demand para dito. Marami rin kasing investors ang nagpull out ng shares nila mula nung nagstart mabankrupt ang business ni papa.

Pero for the past year, medyo nagimprove na siya. At hindi ko na pakakawalan ang chance na ito kaya naman hands on na rin ako sa business namin ni papa. Sobrang nagalit siya kay Miguel nang malaman ang ginawa niyan sa akin pero pinigilan ko na siya sa kung anong balak niyang gawin.

Oo nga at kilala ang papa ko, maraming connections pero di hamak na mas may impluwensiya ang pamilya nila Miguel. Ayaw ko lang din madamay ang papa ko sa personal kong buhay. Alam ko papa ko siya, pero may isip na rin ako, dapat alam ko na solusyonan ang problema ko.

Sa Spain ako nadiscover ng kaibigan ni papa na photographer. Filipino rin siya kaya luckily, nadala ko dito sa Pilipinas ang pagiging model ko sa Spain. Hindi naman worldwide ang publication ng magazine kung saan ako nagpopose sa Spain kaya for sure, walang alam si Miguel sa mga nangyayari sa buhay ko.

Desisyon ko na rin naman na lumayo ng tuluyan sa kanya. Dati kasi, sa unang buwan kong pagluluksa, hinahabol ko pa talaga siya. Pilit ko siyang kinocontact via facebook, skype, phone. Pero wala. Kung hindi niya ako pinagtatabuyan, dinedeadma lang niya ang bawat message at tawag ko sa kanya.

Ganon nga siguro ako kadaling paglaruan. Alam kong maganda ako kaya alam ko rin na hindi ko deserve ito.

GWAPO. MATALINO. MAYAMAN.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga salitang iyon. Ang mga salitang binigyan diin niya sa akin noong araw na pinagmukha niya akong tanga. 

Kaya pinangako ko sa sarili ko na kung sakaling makaharap man niya akong muli, ako na si Erisse Sophia Saavedra, maganda (given na yon), matalino (summa cum laude kaya ako), MAYAMAN.

MAYAMAN. Sinigurado ko talaga ito. Kasi ito ang inemphasize niya. Sinigurado kong kaya ko siyang bilhin sa susunod na pagkikita namin. Thank God sa two years stay ko sa Spain, nabawi na namin ang pangalan ng business namin ni papa. Syempre, may times na umuuwi ako sa Pilipinas kasi nagmomodel na rin ako noon.

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon