1 - Erisse Sophia Saavedra

1.1K 23 2
                                        

A/N: Si Erisse po nasa picture sa gilid. Dedicated po sa isa sa mga paborito kong writer dito sa wattpad. :)

Nagulat ako sa kalabit ni Kate sa balikat ko kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Hindi ka ba nakikinig sa akin? Sabi ko, kanina pa tayo dito, wala ka bang balak bumaba?" Napalingon naman ako sa building kung saan nakatigil ang kotse ni Kate. Parang hindi pa nagsisink in sa utak ko ang tanong ni Kate.

"Hoy ano ba! Hindi mo naman sinabing nagpunta tayo dito para lang titigan yang building na yan. Ano na naman ba kasing iniisip mo ha?" Dagdag pa ni Kate nung napansin niyang wala akong balak magsalita.

Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong hininga niya pero nakatingin pa rin ako sa building.

"O sige. Kung hindi ka papasok..." sabay abot ng susi ng kotse niya sa akin kaya napatingin ako sa susi sa kamay ko tapos sa kanya. "Ayan, gamitin mo muna kotse ko pauwi. Tatawagan na lang kita kapag susunduin mo na ako o kaya baka magtaxi na lang din ako." At binigyan pa niya ako ng pilit na ngiti bago niya tanggalin ang seatbelt niya at kunin ang bag niya.

Bahagya na niyang nabuksan ang pinto ng kotse niya nang sa wakas bumalik na ang kaluluwa ko sa lupa kaya hinawakan ko ang kanang kamay niya para pigilan siya sa pagbaba. Mukha namang nagulat si Kate sa ginawa ko kaya umiling na lang ito, muling sinara ang pinto at umupo.

"Baka nandiyan siya." Kung takot o kaba ang nararamdaman ko ngayon ay hindi ko alam. Alam kong bakas sa boses ko ang paghihirap na nadarama ko ngayong mga nagdaang taon. Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko kayang kalimutan na lang basta ang lahat.

Oo nga at matapang ako sa panlabas, pero hindi ko alam kung kakayanin ko bang magpatuloy sa pagiging matapang ko kung muli ko siyang makikita. Baka bigla na lang ulit akong bumigay at magmulat na lang na hinahabol ko na naman pala siya. Ayaw kong makita niya akong nagkakaganito. Ayaw kong isipin niya na hindi ko kaya kung wala siya.

"Hindi ba ikaw, si Erisse Sophia Saavedra, maganda, matalino at mayaman, ay walang lugar ang takot sa buhay mo?" Hinawakan ni Kate ang dalawa kong kamay at tinitigan akong mabuti. Napatingin ako sa kamay naming dalawa.

Unti-unti ko na namang nararamdaman ang pananabik ng mga luha ko na mag-unahang bumagsak mula sa mga mata ko pero syempre pinipigilan ko. Hangga't maaari, hinding-hindi ko hahayaang bumagsak ang mga luhang ito nang dahil sa kanya.

Masyado na akong maraming iniluha ng dahil sa nakaraan ko.

Masyado na akong nahihirapan.

"At ano naman kung nandiyan siya? Mas mabuti nga iyon eh. Nang makita niya kung anong pinakawalan niya. Ipakita mo na kaya mo ng wala siya." Patuloy pa ni Kate habang iniipit ang buhok ko sa kanang tenga ko. Sobrang swerte ko talaga at narito si Kate, ang best friend ko, at hindi siya nagsasawang pasayahin ako.

Ngumiti ako sa kanya kahit na teary-eyed na ako. "Syempre naman. Ako pa ba?"

"Yan! Ganyan dapat. Sayang ang beauty, friend. Oh, papasok na ba tayo?" At nginitian niya ulit ako. Syempre mahilig kaming ngumiting magbest friend. Kaya maraming nabibighani sa amin eh. Idagdag mo pa ang kakaibang alindog namin. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kami iniwan ng mga walang hiyang hampaslupang lalaki! Ops di ako bitter.

I'm trying to analyze their problem. Sa tingin ng lahat, OO NG LAHAT NG TAO, nahihiya lang kasi silang tumabi sa amin dahil magmumukha silang janitor fish. Walang halong kabitteran yan.

Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa loob ng building. Actually, it's a homecoming party. Ewan ko ba kung bakit naisipan nilang sa Valentine's Day gawin to. Ang sabi lang nila, ngayong taon daw kasi, for sure marami na ang kasal kaya chance daw ito para makilala ang mga napangasawa ng mga batchmates namin.

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon