24 - The Birthday Surprise 2

528 8 3
                                    

Dedicated po sayo itong update na ito. Sana magustuhan mo tong story :)

PART 2

Enjoy :)

I'm sorry.

Bakit Miguel?! Ano na naman bang nangyari at nagkaganito na naman tayo? Hindi ba tayo pwedeng maging masaya? I really love him but I cannot endure this pain all the way. I also get tired.

Sa mga panahong ito, I don’t really know what to feel. Kaya ba siya wala dito sa birthday ko ay dahil kasama niya si Bea ngayon at mas inuuna niya? Alam nab a ng mommy niya ang tungkol sa amin ni Miguel kaya nagsisimula na naman siyang kumilos?

I just can’t really understand why I have to suffer the consequences of their love complications kung totoo man ang sinasabi ni Bea about our families. Up until now though, I still refuse to believe her words. Masyadong mahal ni papa si mama para gawin niya ang bagay na binibintang sa kanya ni Bea.

I felt a tear fall down from my eyes. Eto na lang ba talaga ang kaya kong gawin? Iiyak na lang ba talaga ako ng iiyak?

Parang kinakain ko lahat ng mga sinasabi ko noon… Na ako’y matatag, na ako’y matapang… Pero sa tingin ko… Sa tingin ko everything has its limitations.

Sa tingin ko masyado na kong saturated to the point that I’m willing to let go even if I really love Miguel… That it would be better off forgetting what we have right now… That I am more than willing to bargain my happiness for everyone’s peace of mind…

Ayaw ko nang tumakbo at umasa. I know I can’t do this all my life. I have to choose. I just can’t have everything I want.

Ilang minute rin akong nagdadrama hanggang sa may marinig akong batong tumama sa pintuan ng veranda ng kwarto ko. Madaling araw na may mga nangtitrip pa rin.

Nga naman -_-

I decided to ignore it kasi sa mga oras na ito, naramdaman ko na ang sobrang antok. I need to rest dahil may photoshoot pa kami the next day.

Pumasok ako sa CR ng kwarto ko at naghilamos. Hindi ko na kayang magshower pa sa sobrang pagkapagod. Besides, masama rin naman kung pipilitin ko ang sarili kong maligo kung pagod ako.

I immediately went out of the bathroom after kong magtoothbrush… At aba…

May lecheng bato na namang tumama sa pintuan ng veranda ng kwarto ko. Pasalamat siya at hindi nababasag ang pintuan ko, kung hindi…

Argh! Mapapatay ko na to eh! Paano ba naman may tumatawag sa pangalan ko.

“Erisse!” Sigaw nung nakakabadtrip na nakadrugs -_-

I covered my ears with my pillow then closed my eyes, pretending to hear nothing but to no avail…

*KRIIIIIIIING*

Eh kasi, may tumatawag sa phone ko. Kahit labag sa kalooban ko ay kinapa ko ang cellphone ko sa bedside table at sinagot ang tawag nang hindi tumitingin sa screen kung sino ang istorbong nilalang.

“Hmmm?” Yan lang ang nakayanan kong sabihin.

“Fi…” Napabangon ako sa boses na narinig ko. Sino pa nga bang tumatawag sa akin neto?

“Bakit?” Wagas maka-one-liner eh.

“Buksan mo naman yung pinto ng veranda mo…” Nanayo ang balahibo ko sa katawan pagkarinig ko sa sinabi niya.

I-ibig sabihin…? Siya ang pangahas na nambabato sa pinto ng veranda koooo?!

“I-ikaw ang bumabato sa pinto ko?!” OA kong tanong.

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon