7 - Just as I thought

721 12 2
                                    

Dahil nilagay niya ang FDYR sa RL niya, para sa kanya ang update na ito. Thank you! :)

"Narinig ko kayo kanina." Si Bea na nilapitan ako agad matapos ang unang part ng photoshoot namin.

"Huh?" Pagmamaang-maangan ko na patuloy pa rin sa paglalakad papuntang table kung nasaan ang tubig ko.

"Don't make a fool out of me. I heard you and Miguel when I was about to get inside the room." Inis na sabi niya sa akin at hinarang pa ako sa daan.

"So eavesdropping is your favorite hobby, huh?" Mapang-asar ko lang siyang tinignan.

"Lumayo ka sa kanya." She said with gritted teeth. Aba, sino ba siya para utus-utusan ako?

"At bakit naman kita susundin?" Tanong ko saka nagpameywang.

"Because I'm his fiancee. We're engaged to be married and you're ruining our relationship!" Pinandilatan pa ako ng mata. Anak ng!

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero hindi pa rin niya ako tinitigilan hanggang sa makarating na kami sa may table.

Kukunin ko na sana yung tubig kasi uhaw na uhaw na ako kaso pinigilan niya ako. Hinarap pa niya ako sa kanya.

"Kinakausap kita." Halatang nagtitimpi siya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay saka kumawala sa pagkakahawak niya sa akin. "I don't really care kung magkausap man kami. Duh. As if big deal sa akin yon! And for the record, siya ang lumapit sa akin, hindi ako. And never would I!" Inirapan ko nga siya saka ako uminom ng tubig. Woooh! Sobrang refreshing.

"He loves me so much. And I'm gonna prove that to you!" Desperadang sabi niya sa akin. Shet, alam kong sobrang iniyakan ko si Miguel, pero thank God hindi naman ako umabot sa pagiging ganyan.

"Sure." Poker face pa ako niyan. Mwahaha! Ang sarap lang asarin. Nilayasan ko nga.

WEHEHE. Mas maganda talaga ako dito sa desperadang ito. Kumusta naman ang pamumugto ng mata niya? Umiyak siguro to! Haha! Naasar ba siya sa sinabi ko kanina? I mean it naman ah. Kung gusto niyang patunayan, eh di go. Hindi naman ako affected eh.

At wala akong karapatan naman talaga kasi tama siya. Fiancee siya at ako... Sino ba ako sa buhay ni Miguel? Nakaraan na ako. At laruan pa niya.

Bitter much?

Hindi rin. Totoo naman kasi.

Mukha tuloy bakla itong babaeng to. Napakapal lalo ang makeup dahil sa pag-iiiyak eh. Haynako, store kaya namin ni Kate ang nakasalalay dito. Kaya yan, imbes na magstart na kami sa pang-apat at last na part ng photoshoot namin eh inuulit na naman ang makeup niya.

5 PM na rin pala. Nakakaubos naman ng energy to. Bakit kasi isang araw lang binalak ishoot ang mga ito?

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon