Hello, para sayo ang update na to. :)
Nandito kami ngayon ni Kate sa isang beach resort sa Batangas at kasalukuyan akong nakalublob sa tubig. Kanina pa ako nakatulala at alam kong napapansin yon ni Kate. Nakakahiya naman sa kanya. I know we're here to enjoy pero ganito pa ang inaasal ko ngayon.
Sa tuwing napapapikit ako, nakikita ko ang lumuluha at nagmamakaawang si Miguel sa akin. Idinilat ko ang mata ko at umiling-iling. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko na talaga alam kung anong dapat gawin.
Hindi ko naman kasi alam kung kaya kong makapagdesisyon ng tama sa tuwing kasama ko si Miguel o kaya nama'y si Anthony. Mas masasaktan ko lang sila. Lalo na kung hindi buo ang desisyon na gagawin ko.
Nasa kalagitnaan ako ng malalimang pag-iisip nang bigla kong naramadaman na may humawak sa balikat kong nakaexpose above the water. And I froze pero for a while lang. Saglit lang yon kasi napalingon ako agad at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang Miguel na may wet-look.
"Fi..." He cupped my face. Kitang-kita ko ang yearning sa mata niya.
"Don't you dare touch her!"
Pero mas nanlaki ang mata ko nang isang Anthony ang sumuntok sa kanya. Nabigla ako sa ginawa ni Anthony.
"Anthony?! A-anong ginawa mo?!"
Tutulungan ko sanang mag-float ulit ang lumubog na si Miguel nang bigla akong inalon ng tubig.
Hindi pwede! Sa sobrang lakas nito, nalubog din ako. Pero hindi ako makarecover agad dahil namulikat ang paa ko. Nagsastruggle ako para makalangoy ulit papataas pero hindi kinakaya ng paa ko. W-wala akong marinig.
Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero nauubusan na ako ng hininga. Hindi ko rin magawa yon dahil makakainom ako ng tubig. Hanggang sa...
*cough cough cough* Napabangon ako sa bath tub ko sabay nang pagpunas ko sa mukha ko gamit ang mga kamay ko. *cough cough*
Natigil ako at pinagmasdan ang paligid ko. Nandito ako sa CR ko sa condo. Napabuntong hininga ako ng malalim.
"Buti na lang panaginip lang pala." Sasandal sana ulit ako sa bath tub ko nang maagaw ng tunog ng doorbell ko ang atensyon ko. Kanina pa pala tumutunog yon. Iniiwan ko kasing bukas ang pinto ng CR ko kapag mag-isa lang naman ako dito sa condo ko.
Tumayo na ako at inabot ang tuwalya ko para i-dry ang buhok at ang katawan ko saka ko ito itinapis sa akin. Wala pa ring tigil ang pagtunog ng doorbell ko kaya naman pumunta na ako sa pinto at sinilip kung sino ang nangahas pumunta sa condo ko ng alas sais ng umaga. -________-
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...
