9 - Anong mas masakit?

683 12 4
                                    

Hi, dinededicate ko ang chapter na to sayo. :) Enjoy!

Kumuha ako ng panibagong papel at itinapon sa punung-puno ng crampled paper na trash bin ko ang kakacrample ko lang na papel.

Nagsimula ulit akong magsulat pero binura ko na naman. Ang masaklap pa, hindi naman lapis ang gamit ko, ballpen pa. Kaya naman ni-crample ko ulit yung papel sabay bitaw ng ballpen at hawak sa ulo ko.

"ARRRGGGH!" Makaubos-hininga kong sigaw. Buti na lang at sound proof ang office ko. Nakakainis naman kasi! Hindi ako makapagsulat ng business proposal. Hindi ko rin alam kung bakit nagsusulat ako at hindi nagtatype para naman kahit papaano eh walang nasasayang na papel.

Nako naman kasi, hindi talaga ako makapagconcentrate sa trabaho. Ang hirap din matulog kagabi. Feeling ko papatayin ako ng konsensya ko.

Hindi naman ako um-oo kay Anthony. Kaso ang mali ko...

Hindi rin naman ako humindi.

Sa sobrang pagkabigla ko, napatanga na lang ako sa harap niya kaya naman sabi niya sa akin...

"Fine then, it's settled. You will let me love you." Tapos ngumiti na naman siya.

Naguguluhan ako sa kanya. Ganito ba talaga ako kaganda? Hehe. Sabagay, pogi naman siya eh kaya hindi siya dapat matakot sa pagtabi sa akin dahil bagay kami. Hindi siya magmumukhang alipin.

HALA! Hindi Erisse! Maliiii! Ano bang sinasabi ko? >_< Mababaliw na ako! Ano bang ginagawa niyo sa akin?! Huhuhu!

Nasa kalagitnaan ako ng pagsesentimiyento nang biglang tumawag ang secretary ko na si Joanne.

"Yes Joanne?" Sabi ko pagkasagot ko sa tawag.

"Ma'am, Mr. Dela Paz is already here. Shall I send him in now?" Tanong niya sa akin. Oww, yung ka-meeting namin ni Kate ngayon. Saan na ba yung si Kate nang makapagsimula na kami? Ah, papasukin ko na lang at ientertain.

"Sure. Thanks." At naputol na ang tawag.

Ilang sandali pa at bumukas ang pinto at may tumikhim na lalaki. Nakaupo ako sa aking upuan pero nakatalikod ako sa pinto kaya naman humarap na ako once I heard his voice.

Pero ang ngiti na kitang-kita sa mukha ko kanina ay napalitan ng inis kaya napataas ang kilay ko sa lalaking nasa harap ko.

"What are you doing here?" Galit ko siyang tinitigan. Nakakairita kasi eh.

"We need to talk." Simpleng sagot niya sa akin pero heto na naman siya, kitang-kita na naman ang lungkot sa kanyang mata.

Napa-cross arms naman ako sa sagot niya. Syempre hindi dapat ako paapekto.

"And you even pretended to be one of our clients? How ethical of you." Sarcastic kong sabi sa kanya.

"We really need to talk Erisse. And I know that I can't ask it from you. I need to force you just so you would allow yourself to listen to me." Medyo tumaas na ang boses niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumalikod sa kanya.

"What makes you think that I'll even listen to any of your sentiments, Miguel?!" Nakasigaw na ako sa kanya. Thank you soundproof office.

"Erisse, believe me. I never meant to hurt you. God knows how much I want to hurt myself that time." Panimula niya. 

Shemay lang. Hindi ko na naman mapigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Ano na naman ba? What's the use of telling me those things? Hindi pa ba siya masaya at nagpakatanga ako ng lubos sa kanya noon? Hindi ba uso ang awa sa kanya? Nasasaktan din ako!

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon