A/N: Si Papa Anthony po sa gilid. Enjoy! :)
Define awkward?
Yun yung nagdidinner kami ni Kate ngayon at si Anthony ang kasama namin.
Define ultra-mega awkward?
Yun yung naiwan pa kaming dalawa ni Anthony dito sa table kasi may sinagot na tawag si Kate.
Napainom na lang ako sa wine glass ko para umiwas magstart ng conversation with him. Hindi ko pa rin talaga alam ang sasabihin ko sa kanya magmula nung gabing yon. Tumatawag din siya sa akin pero hindi ko sinasagot. Nagle-leave siya ng message sa akin pero sobrang tipid ang reply ko.
Syempre ang nirereplyan ko lang eh yung mga message na may business matters. Pag nagpupunta siya sa office, work lang ang pinag-uusapan namin.
Sobrang thankful din ako at mukha namang understanding itong si Anthony. Kahit kasi ganon ang ginagawa ko sa kanya eh hindi naman niya ako kinukulit. So far wala pa namang weird na ginagawa itong si Anthony...
Well... Maliban na lang sa kakaibang tingin niya sa akin ngayon. Hindi ko mapigilang pagpawisan. Ikaw ba naman titigan ng isang hot at gwapong lalaki, ewan ko na lang kung hindi ka talaga mapalunok.
Kulang pa yata ang iniinom ko!! Ano ba Anthony! Makatitig ha!
"Why do you look so uncomfortable?" Medyo nasamid naman ako sa sinabi niya kaya umubo-ubo ako. Then I heard him chuckled. Ang sexy lang talaga. Hehe. Di pa rin makaget-over eh.
"Bakit ba bigla-bigla ka na lang nanggugulat?" Medyo nakapikit ko pang sabi nang makarecover na ako.
"Nakakagulat na ba magtanong? I didn't even shout at you." Halatang may amusement sa mukha niya. Medyo natatawa kasi ang itsura niya. Nagpakalumbaba pa siya tapos lalo pang sumexy ang ngiti niya.
Hahahaha! Sexy agad? Hindi ba pwedeng lumapad lang lalo ang ngiti?
I looked at him in disbelief expecting na aayos na muli siya ng upo pero mukhang nagkamali ako. Lalo pang naging mapang-asar ang itsura niya ngayon and I can't help but stare at him. Parang sobrang nakakaakit ang mga ngiti niya.
Mapang-akit? Saan nanggaling yun Erisse?
"Bigla-bigla ka na lang kasing nagsasalita dyan." Sa wakas nakapagsalita na rin ako. Nakakunot pa ang noo ko niyan para hindi niya maisip na pinagpapantasiyahan ko siya. Hehe.
"I'm dead serious Erisse." At bigla nga naging seryoso yung mukha niya. Kasabay nito ang paglaktaw laktaw na naman ng tibok ng puso ko. Madalas na yata ako kabahan ngayon. Bawas-bawasan ko kaya pagkakape?
"H-huh?" I gave him a what-are-you-talking-about look. At saka uminom ulit.
"You can use me." Nanlaki na naman ang mata ko. Buti na lang at nacontrol ko ang sarili ko kundi, naibuga ko na ang iniinom ko sa kanya.
Pinunasan ko muna ang bibig ko gamit ang table napkin sa lap ko kanina. Medyo alangan pa akong magtaas ng ulo pero dahil hindi ko naman pwedeng iwasan to gaya ng pag-iwas ko sa mga tawag at text niya. Napalunok muna ako bago ko inangat ang ulo ko.
And right then and there, I met his gaze. Ang tingin niyang nakakapaso dahil parang ibang Anthony ang nakikita ko kapag ganito siya kaseryoso.
"W-what are you saying Anthony?" Totoo naman eh. Bakit niya ba sinasabi sa akin ang mga ganitong bagay? More importantly, bakit naman niya gagawin yon?
"I know you're hurting a lot." Bakas sa mata niya ang... Pain? Hindi ko alam. I'd like to think na hindi yon ang nakikita ko sa kanya ngayon. Pero...
![](https://img.wattpad.com/cover/3667846-288-k324381.jpg)
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...