34 - Taking chances

259 6 2
                                    

"I so love it! Grabe he takes splendid photos talaga!" Puri ni Kate habang tinitignan ang raw photos namin ni Soo Hyun na kuha ni Anthony.

Narito kami ngayon sa condo ko, nagpapahinga. Mukhang wala akong balak gumalaw, nakakapagod din naman ang araw na to. Si Anthony, hindi na muna ako tinawagan o tinext o niyaya magdinner. Iniwan lang niya ang mga digital photos sa amin ni Kate.

Actually feeling ko narelieve din ako dahil nga free from disaster ako ngayong araw bukod na lang sa mga tinginan kanina sa studio. Buti na lang masayahin si Soo Hyun kaya di naman ako nabored or masyadong nagworry sa dalawang yun.

"Tignan mo to Erisse! Ang ganda ng kuha! Ang cute ni Soo Hyun!" Sobrang hyper ni Kate. Ako pagod talaga kaya wala akong balak bumangon sa pagkakahiga ko sa malambot kong kama.

"Ay grabe, walang pagpansin teh?" Disappointed na sabi ni Kate nang makitang nakahiga pa rin ako.

"Sorry talaga Kate, sobrang pagod kasi ako eh." Walang lakas kong sabi sa kanya.

"Hay grabe, napagod ka ba talaga o nanghina ka lang dahil nakita mo ulit siya?" Seryosong tanong ni Kate. Actually hindi ko naman naisip na kaya ako nagkakaganito ngayon ay dahil kay Miguel. Feeling ko nga unti-unti na talaga akong naglelet go.

Hindi nga kaya?

"Nagtampo ka na nyan? Hindi ko nga naisip na siya yung dahilan kaya ako ganito eh. Pagod lang talaga ako best friend." Humarap naman ako sa kanya at ngumiti. Hindi pa rin bumabangon.

"Buti naman kung ganon. What made you move on ba? Nacurious ako ha. Baka may feelings ka na talaga para kay Anthony noh? Yeeeee!" Omg, speaking of Anthony, naalala ko yung gabing... Yun. Namula tuloy ako.

"OMG! Hindi nagdeny! Namula paaaa! Kailangan ko na magpaparty neto! Nainlove na sa wakas si Erisse!" Masayang sigaw ni Kate.

"Ano bang sinasabi mo? Nagulat lang ako noh." Pagtanggi ko naman. Hindi man lang nakaligtas kay Kate ang pamumula ko.

"Ano na? Bakit parang di ka na kasing affected gaya ng dati kay Miguel?" Excited na tumabi pa si Kate sa akin. Napaisip ako, hindi na nga ba ako ganon ka-affected? Kung totoo man ang sinasabi ni Kate, eh di mabuti naman kung ganon. Feeling ko kasi kaya ako ganito, hirap magmove on, kasi wala naman talagang closure samin. Noong nagkikita pa kami, we even tried to be back in each others' arms pa nga eh.

Napasimangot naman si Kate dahil parang wala yata akong balak magsalita. Natawa ako. Hindi ko napigilan eh. Paano naman kasi, parang bata na di nabigyan ng candy.

"Ang damot mo!" Nakasimangot pa rin siya pero nakaupo. Hahaha! Dapat ko bang sabihin ang tungkol sa nangyari sa Tagaytay?

"Ahm... Kate?" Umpisa ko. Nakatingin lang naman siya sa akin, naghihintay na ituloy ko ang sinasabi ko kaya naman umupo na rin ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Kabadong kabado ako ngayon. "Have it ever crossed your mind... I mean, you know, something with you and Jake... Something that couples do...?" Sobrang wala sa hulog kong tanong. Hindi pa ako makatingin ng diretso.

"We kiss." Simpleng sagot ni Kate. Nakatingin lang siya sa akin na parang nawi-weirduhan siya sa pinagsasasabi ko. Masisisi ba niya ako? Hahaha!

"Have you... Have you done...?" Hindi ko matuloy-tuloy yung sinasabi ko.

"Done what?" Nakataas na yung kilay ni Kate. Nagmamadali much?

"You know... Have you done it with Jake?" Nahihiya kong tanong sa kanya.

"You're asking if we ever made love to each other na?" Pagkumpirma ni Kate. Hay kailangan pa talaga sabihin? Hahaha! Tumango na lang ako ng marahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon