Dedicated sa kanya dahil pinasabugan niya ng votes ang story na to. Thank you! :)
A/N: Konting balik lang sa mga pangyayari. POV naman to ni Erisse.
Erisse's POV
Sino ba siya? Sa tingin niya maloloko niya pa ako?! Nagpakatanga na naman ako. Oo na, alam ko, pagdating sa kanya, mahina ako. Mahal na mahal ko eh. At kahit gaano pa niya ako sinaktan noon, nagawa ko pa rin siyang tanggapin muli sa buhay ko.
But I guess this is the most stupid decision I've ever made.
I gave him my heart for the second time but he broke it again. Ilang beses ba dapat ako magpakatanga para lang matuto na ako?
Oo nga't mas masaya ako nang magkabalikan kami matapos ang ilang taon... Pero dobleng sakit ang idinulot nito sa akin nang muli niya akong saktan.
Anim na araw na rin akong nakakulong sa condo ko nang magdesisyon na akong magpakita kila Miguel. Umuwi ako sa bahay. Wala pa rin si papa doon. Sa totoo lang hindi pa rin talaga ako handang makita siya.
Ngunit pagdating ko sa kwarto ko'y isang letter ang nakita kong nakapatong sa bedside table ko.
Erisse,
Thank you for everything but I'm marrying Bea. Goodbye.
Miguel
Isang maikling sentence lamang ang kailangan para tuluyang madurog ang pagkatao ko. I felt used. Kahit na hindi ko alam kung paano, ganito na lang ako kung masaktan. Akala ko ayos na kami... Ano bang nangyari?
Kakayanin ko naman siyang ipaglaban eh... Kahit pa ikakasal siya kay Bea... Kahit pa ganito ang sitwasyon ng pamilya namin... Kahit pa hindi gusto sa akin ng mommy niya.
KAKAYANIN KO PARA SA KANYA.
Pero bakit kailangan niya akong paglaruan? Hindi ko maintindihan ang takbo ng isip niya. Ang galing nilang umarte. At para saan? Nagtagumpay na sila sa pananakit sa akin noon, hindi pa ba sila nakuntento?
Kinuha ko ang susi ng condo at ng kotse ko. Pinaharurot ko ang kotse ko patungo sa condo. Agad kong kinuha ang mga gamit ko. Kung saan ako pupunta? Hindi ko alam. Hindi ko na alam kung saan ako magtatago.
Magtatago na lang ng magtatago. Dahil ano? Dahil natatakot ako sa kung anong mangyari kapag nakita ko siya. Kapag nakita ko sila.
Magulo ang isip ko ngayon. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin o isipin. Basta ang alam ko, nasasaktan ako.
Buong byahe akong wala sa sarili. It's a good thing that I managed to drive myself to Batangas. Hindi ko rin naman alam kung saan ang rest house kaya nagcheck in na lang muna ako sa isang hotel.
Kinabukasan, pagkapasok ko sa restaurant na malapit sa hotel ay nagulat ako sa nakita ko.
"Anthony?" Mahina at di makapaniwala kong tanong. He walked his way to me. Ako? Hindi ko naalis ang tingin ko sa kanya. Siya nga pala ang taong kahit pinagtutulukan ko na'y lagi pa ring nariyan para i-comfort ako.
Bakit kasi hindi na lang siya ang minahal ko?
"You don't know how you made me worry." Malungkot niyang sabi. Sa itsura niyang yan, I swear, nagpupumilit na magsitulo ang luha ko pero I still managed to flash a smile.
"Silly. I can take care of myself." Sabi ko sa kanya at nagsimulang maglakad patungo sa kung saan siya nakaupo kanina.
"Shall we order?" Tanong niya sa akin habang pinaghihila ako ng upuan.
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romansa"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...
