5 - Of all people

777 12 2
                                    

A/N: Para sa kanya ang update na ito. Thank you ulit! :)

Si Bea po sa gilid.

"Kanina pa kaya ako gising." Mayabang na sagot ko kay Kate na kausap ko sa phone ngayon habang nagpeprepare ng breakfast ko.

"Aba! Himala naman yata yan best friend! Anong nakain mo?" Naiimagine kong nakangisi si Kate habang sinasabi to. Hahaha! Ako na tanghali kung gumising.

"Wala naman. Wala lang maayos na sleep." Naalala ko na naman ang bwisit na lalaking yon. Hindi ako nakatulog ng mabuti dahil maya't maya nagpeplay sa isip ko yung sinabi niya.

Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon...

"Hoy! May kausap pa ba ako?!" Sigaw ni Kate sa akin sa kabilang linya.

"Aray!" Sabay layo ko ng phone sa tenga ko. "Kailangang naninigaw Kate?"

"Nakikinig ka ba kasi sa sinasabi ko?" Si Kate na medyo kumalma na ang boses.

"A-ano na nga yon? Hehe." Alangan kong tanong sa kanya.

"Aish, ano ba yan Erisse! Sabi ko reds lang ang idala mo ngayon kasi Valentine special pa ang theme ng photoshoot mo." Tumango tango naman ako, as if makikita niya. Hehe.

"Oo na po." Sabay subo ng bacon. "Nakaready na so don't worry."

"Sige see you."

Toot.

Nag-uusap si Kate at ang photographer sa venue ng photoshoot pagkarating ko. Looking as stunning as ever talaga itong best friend ko. Effortless eh. Hehe.

Naglakad naman ako papunta sa kanila at binati ako ng photographer at bineso naman ni Kate. Napansin kong parang bago itong photographer kaya napatitig ako sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at nilahad ang kamay niya para makipaghandshake.

"Anthony Del Castillo pala. I'll be your photographer." Inabot ko naman ang kamay niya at nakipaghandshake.

"Erisse. Erisse Sophia Saavedra." Ngumiti rin ako sa kanya.

"Maganda. Matalino. Mayaman. Hahaha!" Natawa naman ako sa pagsingit ni Kate sa title ko.

"Don't mind her." Nakatawa kong sabi.

"Don't worry. It shows." Sabay flash ng signature smile niya. Kagwapong nilalang naman nito.

Nginitian ko na lang ulit siya at tsaka nagpaalam na kasi aayusan na ako ni Kate.

Habang inaayos ni Kate ang buhok ko ay hindi ko na siya napigilang tanungin.

"Best friend, may balita na ba kung sinong makakatrabaho ko next week?" Halatang may pangamba sa boses ko.

"Ah wala pa kong balita pero alam ko ngayon malalaman eh. After nitong photoshoot." Sabi niya na patuloy pa rin sa pag-aayos ng buhok ko.

"Bakit kasi hindi na lang ikaw?" Tanong ko sa kanya kaya medyo napatigil siya at tsaka pumunta sa harap ng salamin para kumuha ng hairpin sa lamesa sa tapat nito.

"Alam mo namang wala ako sa araw na yon diba?" Tanong niya nang pagbalik niya sa akin para iipit ang buhok ko.

"Hmm..." At nagpout na lang ako.

"Bakit ba parang kinakabahan ka dyan?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Eh kasi naman. Hindi ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko. Uncomfortable na ewan. Tsaka... Alam mo namang first time kong may makasama sa shoot diba?" Kasi ngayong photoshoot ko, kahit Valentine special pa to, wala naman akong kasama kahit man lang lalaki. Inisip ko tuloy parang lost Valentine ang peg ng photoshoot ko.

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon