A/N: Si Erisse po sa photoshoot. Ganda talaga. :)
Hindi naging madali para sa akin ang araw kahapon. Pinigilan ko ang sarili kong tanungin si papa tungkol sa mga sinabi sa akin ni Bea. Kailangan ko muna maconfirm ito. Tama, iyon ang napagdesisyunan naming gawin nila Kate at Jake nang puntahan nila ako kahapon.
Naconvince ko naman sila na wag muna sabihin kay Miguel ang nangyari pati na rin ang nalaman namin. Pagdating naman namin ni Anthony sa place kung saan namin isusukat ang tinahi naming damit ay I acted cool sa presence ni papa.
Photoshoot na namin ngayon sa MOD. At heto ako nakatingin sa salamin habang ang papa ko ay naghihintay sa baba. Bumuntong hininga ako saka ngumiti sa reflection ko. Mahal na mahal ko si papa. Hindi ko hahayaang sirain kami ni Bea.
Pagkababa ko ng living room ay ngumiti si papa sa akin at hinalikan ako sa ulo. Di nagtagal ay bumyahe na rin kami papunta sa studio kung saan gaganapin ang shoot.
Nagulat naman ako nang makita ko si Anthony at Miguel na naghihintay sa entrace ng building. Nakangiti si Anthony at si Miguel naman nakasimangot na nakapamulsa. Lumapit ako sa kanila at ngumiti. "Hindi niyo sinabing... pupunta pala kayo."
"Well I just came to see you. Aalis din ako kasi may schedule ako ng shoot ngayon." Nakangiting sabi ni Anthony. Tumango naman ako at napatingin kay Miguel.
"I'm staying." Tipid na sagot ni Miguel. Napangiti naman ako sa sagot niya.
"By the way..." Singit ni Anthony na parang may kinakapa sa bulsa ng jacket niya. "May ibibigay ako sayo pinabibigay ni Joanne." At inabot niya sa akin ang isang envelope. Mukha siyang letter.
"Thanks." Sagot ko bago ko nilagay sa bag ko.
Nakalapit na pala si papa sa amin hindi ko man lang napansin. Binati naman siya nila Miguel at Anthony. Si Anthony nagpaalam na rin dahil ilang minuto na lang ay start na ng shoot niya.
Nandito na kami ngayon sa loob at naghahanda para sa shoot. Nasa mismong studio sila papa at Miguel. Ako naman nandito sa parang dressing room, inaayusan nang biglang dumating si Ana.
"Good morning, Erisse!" Saka siya nakipagbeso sa akin.
"Hello!" Sabi ko naman sa kanya.
"You look absolutely gorgeous!" Compliment niya sa akin.
"And you're so lovely." Sabi ko naman sa kanya.
"Nandito pala si Miguel ha. Sabi na eh, so finally kayo na ba ulit?" Cool niyang tanong sa akin.
"Shhh. Keep your voice down please? Not that kami na ulit pero just that thought, baka matsismis kami. Mahirap na." Pabulong kong sinabi sa kanya habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.
Marahan naman siyang tumawa. "By the way, next month, birthday ni Uncle Marco. Uuwi yata sila dito." Napatingin ako sa kanya pero di ako nakapagsalita agad.
"Tell me about it, approved ka ni Uncle noh? Si Auntie lang talaga ang masamang ugali haha!" Nakabawi naman ako at lumingon muli sa salamin.
"Well... You're right. Twice ko palang namimeet ang daddy ni Miguel pero he'd been very kind to me." Sagot ko sa kanya.
"Oh well, si Uncle kasi mismo ang nakausap ko kagabi. He asked me about what keeps me busy... Then I said I have a project with you." Pag-oopen niya.
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...