A/N: Thank you po sa mga sumagot sa tanong ko! Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko. :)
Erisse's POV
"Care to share?" Tanong sa amin ni Kate na nakaupo sa tapat namin at sa tabi ni Jake. Okay, mukhang double date yata to?
Nagtinginan lang naman kami ni Miguel sa tanong ni Kate. Sa totoo lang hindi naman ganoon kahalaga pang malaman kung anong nangyari kanina. Mas naiintriga ako sa nangyari kay Kate at Jake bago kami dumating ni Miguel.
"Bakit hindi kayo ang mag-umpisa?" Mapang-asar na tanong ni Miguel kay Jake at Kate.
Boom.
Bigla namang nag-iwas ng tingin si Kate na kanina pa nakikipag-eye contact sa amin. Si Jake naman ay napangiti habang nakatingin sa nag-iwas ng mukha na si Kate.
"Namumula ka, best friend." Puna ko sa kanya. Sinabi ko lang naman eh. Wala akong intensyong asarin siya, pero mukhang iba yata ang dating sa kanya. Haha! Sorry naman.
Sinamaan niya tuloy ako ng tingin. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko kay Kate at Jake na nakatingin sa akin. Maya-maya pa'y nakita kong bumuntong hininga si Jake.
"Kate and I are back together." Nakangiting pagconfirm ni Jake sa amin ni Miguel. Nagkatinginan kami ni Miguel na kapareho kong nakangiti at saka ako bumaling kay Kate. Kitang-kita ko naman na kahit nahihiya si Kate ay masaya siya. Wow, buti pa best friend ko. Hehe.
"Congratulations, bro!" Bati di Miguel kay Jake saka pa tumayo at tumabi kay Jake para tapikin ang balikat nito at akbayan si Jake at Kate. Pumagitna naman ang ulo niya sa ulo ng lovebirds. "I'm so happy for you guys." Sabi niya pa ng may ngiti sa labi niya.
"Thank you." Simpleng pasasalamat ni Kate kay Miguel.
"Ikaw naman, bro. Hindi pa ba kayo okay ni Erisse?" Tanong ni Jake kay Miguel. Napahinto naman si Miguel at marahang bumalik sa kinauupuan niya kanina. Ako nama'y uminom muna ng wine.
Okay? Awkward. Si Jake naman kasi eh. :3
"Oh come on, ngayon pa ba tayo magkakailangan?" Tanong ni Kate sa aming dalawa ni Miguel.
Bahagya namang tumingin sa akin si Miguel bago siya uminom ng wine. Tumingin muli siya sa akin pero sa peripheral view ko lang siya nakikita. Nanatili akong nakatingin sa table.
"Well..." Panimula ni Miguel. "She finally allowed me to court her again." Napalitan naman ng ngiti ang pag-aalinlangan sa mukha ni Miguel nang magsalita siya. Maging ako'y di napigil ang ngiti pero nanatili pa rin akong nakatingin sa table.
"Naks naman, sooner or later, back in each others' arms na yan." Pangangantiyaw sa amin ni Jake. Si Kate naman hinawakan ang isang kamay ko na nakapatong sa table.
Pagkaangat ko ng tingin sa kanila ay nakita kong lahat sila nakatingin din sa akin.
"B-bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanila. Ngumiti lang si Kate at Jake. Si Miguel nama'y kumindat sa akin kaya feeling ko tumaas ang dugo ko sa aking mukha. Hala, ang hirap itago ang pagbablush! Pinisil-pisil naman tuloy ni Miguel yung magkabilang pisngi ko. Aba, ang sakit -_-
Kumain na kaming apat makalipas ang ilang minuto. Inayos naman namin ang business bago pa magopen ng ibang topic. Pagkatapos ay nagkwentuhan din muna tungkol sa mga bagay na hindi kami nagkaroon ng pagkakataong malaman dahil nga sa sitwasyon namin. Natuwa naman ako nang malaman ko ang buong nangyari kila Kate at Jake, maging ang high school love story nila, kinuwento ni Jake.
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...