"Erisse..." Tawag niya sa akin.
Napalakas lang ang hagulgol ko. Bakit ba lagi na lang siya ang nakakakita sa akin tuwing broken ako. Nahihiya ako sa kanya.
"Erisse. Tahan na." Punung-puno ng pag-aalala ang boses niya. I can even feel his concern linger in my heart. Papalapit na siya sa akin. Hahawakan na sana niya ang magkabilang balikat ko nang...
"Stop. Wag mo akong kaawaan." Hindi ko alam kung bakit ito ang nasabi ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga sa sobrang lapit niya sa akin. Ramdam ko, kahit hindi ako nakatingin sa kanya, he's staring at me.
"Umuwi ka na. Please. Kaya ko ang sarili ko. Wag kang magpakabasa sa ulan." Pilit ko siyang pinaaalis.
"Yan ba talaga ang gusto mo? Alam mo namang handa akong gawin lahat para lang makita ang matamis mong ngiti. I even bargain myself to take away the pain you feel. Lahat gagawin ko." Medyo nagtaas siya ng boses. Kinilig ako.
"Anthony! Don't hurt yourself, please. Hindi ka involved dito." Syempre, pigil kilig.
"Lahat ng tungkol sayo, involved ako." Seryoso niyang sabi. At napatingin naman ako sa mata niya. Nakatingin din pala siya sa akin. Buti na lang madilim na, hindi na halata kung lumandi man ako.
Napatahimik na ko. Wala na. Speechless na naman ako. Jusko naman tong taong to.
"Kaya halika na at malapit ka nang magkasakit." Sabi niya sabay hila sa kamay ko. Wala na akong gumawa kundi tumayo at sumunod sa kanya.
Idinala niya ako sa tapat ng pinto ng passenger seat ng kotse niya saka niya binuksan ito. Hesistant pa ako kasi basang basa nga ko.
"It's fine." Sabi niya nung napansin niya ang reaction ko sabay ngiti. Oh gooooddd, bakit ba napakasexy ng ngiti ng taong to?! Hahaha!
Paputa na sana siya sa kabilang pinto nang tinawag ko siya.
"A-Anthony..." Nahihiya pa ako niyan. At saka siya lumingon sa akin, smiling face pa riiin.
"Yes?" Makalaglag puso niyang tanong. HAHA.
"T-Thank you." Nahihiya kong sabi. Walang anu-ano'y lumapit na naman siya at saka ako niyakap ng mahigpit. Hindi ininda kung gaano pa kalakas ang ulan.
"Don't say thank you. I'll continue to do this, as long as it's for you." Husky voice yan. Imagine niyo na lang kung paano na ko mangisay sa kilig dito.
1:00AM
Hindi pa rin ako makatulog. I pulled out one stick of cigarette. Hindi ko naman to masyadong gawain pero sometimes I feel the need to smoke. Para lang naman kasi akong tangang naghihintay pa rin ng tawag o text man lang ni Miguel.
OO. Kahit si Anthony ang naghatid sa akin sa condo ko, si Miguel pa rin ang hinihintay ko. At kahit alam kong si Anthony ang dumating kanina para i-comfort ako, there's a part of me wishing na sana si Miguel na lang yon. Na kapag siya nga yon, kahit di na siya magpaliwanag, patatawarin ko na siya agad maayos lang namin ito.
Pero wala e. Puro text lang ni Kate ang natatanggap ko asking kung nasaan na raw ba ako nagpunta at sobrang worried na sila. SILA.
Kasama kaya si Miguel dun?
Nah, I don't think so. Mukhang okay na okay na sila ni Bea e.
Nakareceive ako ng isang message.
From: Anthony Del Castillo
Dinner tomorrow? :)
Alam kong sweet tong tao na to pero hanggang hopia pa rin ako kay Miguel, ayaw ko muna. Ayaw kong manakit. Okay na yung ako ang nakaranas ng sakit.
But before I finish the stick, nakatanggap muli ako ng text message. Hindi kay Kate.
Hindi rin kay Anthony.
From: MoMo <3
Takot na takot pa akong buksan. Ano kayang laman nito? Nag-aalala rin ba siya kaya niya ako tinext at nahihiya siyang tawagan ako?
Buong tapang kong binuksan ang text message para sa dalawang salitang hindi ko inexpect.
DALAWANG SALITA.
OO YUN LANG ANG LAMAN NG TEXT MESSAGE NI MIGUEL.
It's over.
Dalawang salitang kumurot sa puso ko. I think I need another stick of cigarette.
![](https://img.wattpad.com/cover/3667846-288-k324381.jpg)
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...