A/N: Dedicated po sa kanya, kasi sobrang mahal ko si Papa Lawrence at Noneen at ang story na We Are Married?! niya. :)
Si Anthony sa gilid.
"Baka pwede namang pakiusapan si tito?" Nandito kami ngayon ni Kate sa condo ko. Waaaa naiiyak na talaga ako. Ayaw ko! Ayaw ko talagang magphotoshoot kasama si Thomas and Friends!
"Best friend, alam mo naman si daddy, ayaw napapahiya non lalo na sa mga nirecommend niya. Hindi ko naman kasi alam na alam pala niya na duo ang balak sa photoshoot natin ngayon." Frustrated din na sagot ni Kate sa akin.
Nakasubsob pa rin ang mukha ko sa mga throw pillow ko dito sa sofa. Kasi naman eh.
"At kailan pa nagkaroon ng interest si tito sa photoshoot natin? Huhuhu! Kate ayaw ko talaga!" Kung pwede lang akong magmakaawa.
"Si mommy talaga ang nagsabi na si Bea. Akalain mong investor pala kasi ang family nila sa business namin? Kaya yun. Eh alam mo naman si daddy, basta sinabi ni mommy." Si Kate na hindi pa rin alam ang gagawin.
"Kate! Baka ikasira lang ng collection natin yun! Alam mo namang kamukha ni Thomas and Friends yon!" Natawa naman si Kate sa sinabi ko. What?! I'm trying to identify possible problems here. At una na don ang mukha niya. Concerned lang ako kasi sa magiging itsura niya pag tinabi siya sa akin. Hehe.
"Alam ko ang iniisip mo Erisse at para sabihin ko sayo, agree talaga ako diyan. Haha! Kaso kasi sila papa..." Biglang nanghina naman kaming dalawa sa sinabi niya.
Hayy! Wala na ba talaga akong magagawa? Isipin ko palang na magkakasama kami, naluluha na ako. Magsama pa kaya sa isang photoshoot? Ano ba naman kasi itong si Tito! HUHUHU.
Napabuntong hininga na lang kaming dalawa.
At dumaan nga ang mga araw... Dahil ngayon ay Monday na ulit at bukas ay Tuesday na, ang nakaschedule na photoshoot para sa store namin ni Kate...
Alam kong...
I'm doomed.
T^T Eh kasi naman e! Paano to? For sure, kung si Bea ang kasama ko sa photoshoot, malamang nandun din si Miguel!! Tapos ano? Tapos makikita kong maglalandian sila sa harap ko?!
Bitter lang?
Aish hindi! Eh kasi kapag ganon ng ganon, babagal ang photoshoot. Aabutin kami ng siyam-siyam eh busy kaya ako.
Weh?
Ano ba namang klase talaga itong puso ko?! Sigeeee. Pagtripan mo pa ako. Bwisit! Nakakawala ng poise. Huhu.
At pagulong-gulong na ako dito sa kama ko. Maghapon na nga akong hindi nakaconcentrate sa trabaho eh, hindi pa ba ako makakatulog ng mabuti neto? Hindi pwede! Mas maganda kaya ako sa Thomas and Friends na yon. Hmp.
Oo. Tama. Kawawa naman ang store namin ni Kate kung hindi ako tutuloy. Baka hindi bumenta. Mehehehe.
Sana po may magandang mangyari bukas! T^T At pinilit ko na matulog.
Hindi ko alam kung bakit pagkababa ko palang ng kotse ko ay parang pilit na kumakawala ang puso ko sa dibdib ko. Balak pa yata mauna neto sa mismong lugar kung nasaan ang staff. Bwisit na to. Kaloka.
Nasa entrance pa lang ako ng studio, tanaw ko na ang nakatalikod na naglalakad na si Anthony kaya naman nilapitan ko kaagad ito bago pa siya tuluyang makalayo.
"Anthony!" Sigaw ko sabay hawak sa balikat niya.
Nakangiti naman siyang napalingon sa akin. "Hi Erisse! Ang aga mo naman yata?"
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romantizm"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...
