27 - Wag ka lang lumayo

780 10 5
                                    

Dedicated sayo to dahil sinusubaybayan mo na ang story ko. Thank you. Sana di ka magsawa. :D

Miguel's POV

Ang kanyang mga mala-anghel na ngiti... Ang nakaka-in love niyang boses... Ang kanyang napakabangong amoy... Ang mga mata niyang nangungusap... Ang mga tingin niyang alam kong iisa lamang ang nais sambitin sa akin... Ang kanyang yakap na nagsasabing kahit na anong mangyari, magiging maayos ang lahat...

Lahat ng to. Lahat ng nais ko sa buhay ko sa kanya ko lang makikita. Sa nag-iisang babaeng minahal ko na kahit sino pa ang diyosang itapat ninyo'y hinding hindi ko makakalimutan.

Erisse...

FLASHBACK

"Bakit ngaaa?" Parang bata niyang tanong sa akin habang diretsong nakatingin sa grandstand ng school namin.

Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya mula sa likod at ako ay bumulong, "Because I do."

Nililipad ng hangin ang kanyang mabangong buhok kaya naman lalo ko pa itong naaamoy. She looks so innocent. Nandito kami sa rooftop ng building nila, dismissal na eh.

"Hindi mo naman sinasagot yung tanong ko eh." Medyo naiirita niyang sabi. Ang cute niya talaga. Everytime she does that, I just want to snuggle with her.

"Nagtampo ka na niyan?" Pang-aasar ko pa sa kanya habang nakabulong sa kanya. I felt her stiffened as soon as my lips touched her ear.

"H-hindi noh!" Kinakabahan niyang sabi saka lumayo ng konti sa akin. But of course I didn't let her. Pinaharap ko lang siya sa akin para makita ko kung gaano na siya kapula. I'm always amused and contented with just seeing her blush because of me.

"Talaga, Fi?" Nakangiti kong tanong sa kanya but she suddenly looked down. Medyo pikon pa naman ito. I held her chin and raised it, enough for her to see me eye to eye.

"O-oo." She averted her eyes so I cupped her cheeks and started to speak.

"Fi, baby... I'm sorry if I can't answer you right... It's just that... It's just that, I just love you. The moment I saw you, you know that. Now I can't imagine my life without you. I will love you forever." Sincere kong paliwanag sa kanya.

Tinanong kasi niya ako kung bakit ko siya mahal. Eh sa mahal ko lang naman talaga siya. Kailangan pa ba ipaliwanag yun? Then right then and there, I swear I saw her face turned sixty shades of red.

"You're blushing, Fi!" Tawa-tawa kong sabi sa kanya.

She slapped my chest and glared at me. Hindi ko talaga mapigilang tumawa hindi dahil natatawa ako sa kanya kundi dahil kinikilig ako. I don't know ganito kalakas ang effect ko sa kanya. But for a moment, I saw her curve a smile on her lips while her eyes looked straight to my soul. Napatigil ako sa pagtawa at seryoso akong tumingin sa kanya.

"Happy first monthsary, Fi. We'll have forever." I kissed her hand and intertwined it to my own.

"Happy first monthsary din, Momo! Thank you sa lahat." Nakangiti niyang sabi sa akin saka siya yumakap ng mahigpit. We look perfectly cute together especially under the sunset.

FOREVER. Do you remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon