Chapter 01

4.5K 69 1
                                    

Alas sais na ng umaga pero tulog parin si Hena sa kanyang silid. Gabi na kasi siya natulog dahil sa kaka Chat sa mga kaibigan niya.

"Anak gising na at may pasok ka pa." wika sa kanyang yaya na si Mildred.

Si Mildred ay yaya ng dalaga mula pa nung sanggol siya at parang ina na ang turing niya dito. Ito kasi ang kasa-kasama niya lagi at gumabay sa kanya. Lagi naman kasing wala ang mga magulang niya tulad ngayon may bussiness trip ito sa singapore.

"Maya na ya ang aga pa inaantok pa ako eh..." sagot ng dalaga at nagtago sa ilalim ng kumot.

"Anak unang araw mo sa college ngayon kaya bumangon kana jan at maligo." turang ng kanyang yaya.

"10minutes pa po ya...." wika ni Hena.

"Sige pag hindi ka bumangon kikilitiin ko yang talampakan mo." wika ng kanyang yaya Mildred.

Napabalikwas ng bangon si Hera. Ito kasi ang ginagawa ng kanyang yaya pag ayaw niya bumangon. Ang lakas kasi ng kiliti niya sa talampakan, salita palang parang hinahawakan na siya pag ganyan.

"Mabuti naman at bumangon kana anak." naka ngiting wika ni Mildred.

"Yaya Mildred talaga inaantok pa ako eh...." wika ng dalaga sabay kamot ng ulo.

"Kung wala ka sanang pasok hahayaan kita jan sa higaan anak kahit abutin kapa ng tanghali jan." saad ng kanyang yaya.

"Sige ya maliligo na ako, paki ayos nalang ng isusuot ko ha." wika nt dalaga sabay tayo at punta ng bAnyo.

Naligo ang dalaga at inayos naman ng kanyang yaya ang susuotin nito. Sa edad niya na desisais sa yaya parin niya ito umaasa. Paglabas niya ng banyo pumasok siya sa isa pang pintuan kung saan doon ang kanyang mga gamit.

"Ito anak handa na ang isusuot mo." saad ng kanyang yaya sabay abot ng naka hanger na uniform.

"Salamat po ya...." sagot niya na ngumingiti at inabot ito.

Nagbihis ang dalaga at saka bumaba siya para mag agahan. Pababa na siya sa hagdanan.

"Good morning senyorita Hera, handa na ang almusal mo." salubong ng katulong nila na si Bising.

"Good morning rin ho manag Bising, salamat ho. Tara kain na po tayo." wika ni Hera.

Nag tungo sila sa dinning area at umupo siya sa upuan. Pinagsilbihan sya ng mga katulong.

"Maupo na kayo at sabayan ninyo akung kumain." naka ngiting wika ng dalaga.

Nakasanayan kasi ni Hera na ang mga katulung ang kasama niya sa hapag kainan tuwing kakain siya kaya hindi na rin iba sa kanya ang mga ito. Mabait naman talaga siya kaso lang pag ayaw niya sa isang bagay hindi mo ito mapipilit at pag gusto niya hindi rin niya ito titigilan.

"Oh anu pa hinihintay ninyo sumabay na daw kayo sa pagkain." wika ni Mildred.

Isa-isang nag si upo ang mga katulong at sumabay na rin ang mga ito.

"Ya tapos na ho ako, mang Jay hatid na po ninyo ako sa school." wika ng dalaga at tumayo na ito.

"Oho senyorita...." sagot ni mang Jay at tumayo.

"Sige anak mag iingat ka ha." bilin ng yaya Mildred niya sa kanya.

"Opo ya, salamat." wika ni Hera at nag mano sa yaya.

Tinungo niya ang garahe nila at pumili ng masasakyan. Anim kasi ang sasakyan na nandoon.

"Mang Jay iyong Toyota sportivo po ang gamitin natin." saad ni Hera.

"Oh sige ho senyorita...." wika ni Mang Jay at tinungo ito.

Si mang Jay ay matagal na nilang driver, sanggol palang yata siya nororoon na ito tulad ng kanyang yaya Mildred.

"Sakay na ho senyorita..." wika ni Mang Jay.

Sumakay na ang dalaga at umusad na sila hanggang maka labas sa gate ng mansion. Tahimik lang siya sa daan hanggang makarating ng university. Enenroll siya ng kanyang ama sa Christian University tulad rin ito sa La Salle University na halos mayayaman ang mga mag-aaral doon.

"Senyorita narito na ho tayo.." wika ni Mang Jay.

"Salamat ho mang Jay." sagot ng dalaga tsaka bumaba.

"Ihahatid ko na po kayo senyorita." turan ng driver niya.

"Ay huwag na po mang Jay dito na po kayo, kaya ko naman po eh." sagot ni Hera.

"Sige ho kayo ho ang bahala." sagot ng driver.

Umalis na si Hera at hinanap ang building nila. Bussiness management ang course niya dahil ito ang gusto ng kanyang ama para daw balang araw alam niya kung papaano patakbuhin ang kanilang negosyo.

"Hi! nag-iisa ka rin ba?" bati ng isang babae na kasabay niya.

Tulad niya mukhang mayaman rin ito. Halata naman kasi sa suot niya at sa gamit nito na LV bag. Mamula-mula rin ang batal nito gaya niya at maganda rin ang pangangatawan.

"Oo eh, ikaw din ba?" sagot ni Hera.

"Oo, by the way ako pala si Athena Querova." pakilala ng babae sabay lahad ng kamay.

"Ako naman si Hera Chan." sagot ng dalaga at naki pag kamay.

Naglakad na ang dalawa at nag kwentohan.

"Hera, anung course mo?" tanung ni Athena.

"Bussiness management, ikaw?" balik tanung ni Hera.

"Bussiness management rin, kung ganun magkaklase pala tayo." sagot ni Athena at ngumiti.

"Oo nga noh." naka ngiting saad ni Hera.

Nasa hallway sila ng biglang sumulpot ang isang babae at nag mamadali ito kaya nabangga niya si Athena. Mabuti at nahawakan ni Hera ang braso nito kaya hindi siya bumagsak.

"Sorry Miss ha, nag maadali kasi ako at baka malate ako sa pagpasok eh." pag paumanhin ng babae.

"Next time watch your way at ng hindi ka maka disgarasya." si Hera ang sumagot.

"Himihingi na nga nag paumanhin eh." katwiran ng babae.

"Anung magagawa ng paumanhin mo kung na disgrasya ang kaibigan ko?" pag tataray ni Hera.

Pumagitna na si Athena sa dalawa kasi nag kakainitan na ang mga ito.

"Hera tama na iyan. Oky lang miss di naman ako nasaktan." wika ni Athena.

"Sure ka miss?" paniniguro ng babae.

"Oo.." sagot ni Athena.

Natahimik si Hera at nakinig lang sa dalawa. Tiningnan niya rin ang kabuoan ng babae na bumangga sa bagong kakilala. Tulad rin yata niya ito dahil sa pananamit at galaw niya hindi maipag kakaila na mayaman rin ito.

"Ako pala si Venus, ikaw?" pag papakilala ng babae.

"Ako si Athena at siya ang kaibigan ko si Hera." sagot ni Athena sabay pakilala kay Hera.

"Nice meeting on both of you." wika ni Venus at naki pagkamay sa dalawa.
"Sige girls alis na ako at baka ma late ako ha, kayo rin baka malate kayo. See you around." pag papaalam ni Venus.

"Sige, see you...." si Athena lang ang sumagot.

Umalis na rin ang dalawa para hanapin ang room nila. Nahanap nila ito. At pumasok na rin sila.

Hena: The Brat ( Book 1: Goddesses of beauty ) by: Sexy Lady (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon