Nanatiling naka titig si Hena sa mukha ng lalaking kaharap. Ang amo ng mukha nito, matangos ang ilong, mapupula ang labi at ang pungay ng kulay brown na mga mata. Na yung tipong kahit sino ang matititigan nito ay mahihipnotismo.
"Miss oky ka lang..." boses ng ang pumukaw kay Hena.
"Oky lang ako, sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo, huwag ka ring tatanga-tanga at mag ingat ka ng hindi ka maka disgrasya...." pag tataray ni Hena sa lalaki.
"Nag sosorry na nga sayo diba.." katwiran ng lalaki.
"Your sorry is not acceptable, paano kung natumba ako at nabagok ang ulo ko? Mapapagaling ba ako ng sorry mo?" mataray na wika niya.
Naka tingin lang ang tatlong kaibigan ni Hena sa kanila ng lalaki.
"Sorry, pero kung hindi mo matatanggap iyon nasa sayo iyan and beside nag sorry naman ako so anu ang mali doon? Atleast ako alam kung may pagkakamali ako eh ikaw?" turan ng lalaki.
"At sino ka sa inaakala mo pag sabihan ako ng ganyan?" wika ng dalaga sabay pamewang at taas ng kilay.
"Alam mo miss..." wika ng lalaki sabay hakbang palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang baba.
"Ang ganda mo sana kaso kung ano ang ikinaganda mo siya rin ang ikinapangit ng ugali mo, suplada...." dagdag ng lalaki sabay talikod.Naiwang naka tulala si Hena, sa unang pagkakataon may naka pagsabi sa kanya ng ganun.
'Bwisit na lalaki iyon, akala mo kung sino siya.' sa isip ng dalaga.
Humakbang na siya papunta sa mga kaibigan niya. May napili na ang mga ito na upuan.
"Girls let's order..." sAad ni Hena.
Tinawag nila ang waiter at nag order.
"Era kilala mo na yung lalaki kanina?" tanung sa kanya ni Athena.
"Hindi.." sagot niya.
"Oo nga, mag kakilala ba kayo?" dagdag ni Venus.
"Sabing hindi nga." ulit nito.
"Tsaka Era ang gwapo ng boylet na iyon ha." wika rin ni Diana.
"Gwapo, ang yabang kaya niya tsaka ang hambog pa.." saad ni Hera.
Nagkatinginan ang tatlo niyang kaibigan at ngumiti ang mga ito.
"Why??" takang tanung niya
"Bakit ang init ng dugo mo doon Era, siguro type mo noh." kantiyaw ni Venus.
"Hindi ah, nayayabangan lang ako sa mukong na iyon akala mo kung sino maka asta eh." wika ni Hera.
Dumating na ang order nila kaya kumain na ang mga ito.
Samantalang, si Apollo ay inis na inis rin ito sa kanya.
'Ang ganda sana niya kaso ang taray at ang suplada.' sa isip ng lalaki.
Bumalik sa kanyang balintanaw ang mukha ng babae. Kakaiba ang ganda nito, napakaamo ng mukha para itong diyosa, ang pula at ang nipis ng labi, napakatangos ng ilong at ang mga mata ay ang pungay dagdag pa ang paging kulay asul nito na animo'y parang kailaliman ng dagat ang pagka asul.
"God, bakit ko siya naiisip." sambit ng binata.
Ito kasi ang hanap niya sa mga babae ang kulay asul na mga mata, hindi niya alam kung bakit pero attracted siya sa may ganung katangian..
"Anu girls uwi na tayo?" wika ni Diana.
"Oo naman ng maka beauty rest na tayo tsaka gabi na oh..." dagdag ni Venus.
"Sige girls dahil may pasok pa tayo bukas..." saad rin ni Hera.
Nagbeso-beso ang apat at kanya-kanya na sila ng umuwi. Nakarating si Hera sa bahay nila at nadatnan niya ang mga magulang nito sa sala.
"Oh princess at last your here.." wika ng kanyang daddy at sinalubong ito ng yakap.
"Kararating lang ba ninyo daddy?" sagot niya at yumakap rin.
"Yes princess.." sagot ni Don Manuel sa anak.
Lumapit si Hera at humalik rin sa ina tsaka umupo sa sofa.
"How is your first day baby?" tanung ni senyora Letecia sa anak.