Chapter 24

1.8K 50 0
                                    

Naka akyat si Hena sa rooftop, nakita niyang may lalaki doon at hindi niya ito pinansin at dere-derecho siyang naupo sa upuan.
'Siya talaga iyon at hindi ako pwedeng magkamali..' sa isip ni Hena.
'Matagal na kayong hindi nag kikita at malay mo na malik-mata ka lang.' sigaw ng kabilang parte ng utak niya.
'Hindi ako pwedeng magkamali dahil nararamdaman ko na siya iyon.' sigaw ulit ng kabila.
Nagtatalo ang utak niya. Samantalang nagring naman ang telepono ng binata.
"Hello sir!" sagot ni Apollo.
"Narito ho sa unit ng kapatid ko, binisita sila."
Napa angat si Hena sa boses na narinig niya. Boses ito ni Apollo, ito ang lalaki na naka talikod kanina. May kausap ito sa telepono at nasa bulsa ng pantalon ang isang kamay.
"Apollo....." usal ng dalaga na naka titig sa lalaking nakatayo.
Abala naman ang binata at hindi napansin na may tao rin sa paligid niya.
'Ngayon hindi na ako pwedeng magkamali siya talaga ito.' sa isip ni Hena at napatayo na ang dalaga.
"Oky sir i'm coming...." sagot ng binata at binaba na ang telepono.
Umikot siya at hahakbang na sana pero natigilan siya. Para siyang napako sa kinatatayuan niya at pakiramdam nito na sagot ang mga panalangin niya.
"He...... Hena......" sambit ng binata.
Nanlaki naman ang mata ni Hena at unti-unting nag laglagan ang mga luha niya. Hindi ito maka paniwala na ngayon kaharap na niya ang lalaki matagal niyang hinihintay.
"A...Apollo...." sambit ng dalaga at hindi na mapigilan ang pag hagulgol.
Parang nadurog ang puso ni Apollo ng makita na umiiyak ang dalaga. Ayaw niya itong makitang nasasaktan. Hindi na nakatiis si Hena kaya tinakbo na niya ang kinatatayuan ng binata.
"Apollo........" tanging sambit ng dalaga habang yakap ang binata.
Napayakap na rin si Apollo sa kanya ng mahigpit at tumulo na rin ang luha niya sa sobrang galak.
"I really, really missed you......" luhaang sambit ni Hena na nakayakap parin.
Hinigpitan ni Apollo ang pagka yakap sa dalaga bilang tugon sa sinabi nito at hinalikan niya rin ang buhok ng dalaga.
"Sorry....." tanging usal ng binata.
Kumalas sa pagkakayakap si Hena at sinunggaban ang labi ni Apollo na ikinagulat nito. Kapwa habol-hininga sila ng maghiwalay ang mga labi.
"Nakakainis ka....." wika ni Hena sabay sampal sa binata.
Ikinagulat ito ni Apollo dahil pagkatapos siya halikan ay ito sampal inabot niya.
"Bakit mo ako sinampal?" gulat na wika ni Apollo at napahawak sa pisngi.
"Bakit mo ako iniwan? Bakit hindi ka nag paalam na aalis kana? Bakit hindi mo ako ginising bago ka umalis? Saan ka nag punta? Anu ang ginawa mo? Bakit hindi ka nag pakita sa akin?" sunod-sunod na tanung ng dalaga.
Lumaki naman ang mga mata ni Apollo sa sunod-sunod na tanung ng babae at hindi niya alam kung anu ang unang sasagotin.
"Oppss! easy lang, mahina ang kalaban, isa-isa lang..." sagot ni Apollo.
Naupo muna sila sa upuan at pinunasan ni Apollo ang mga luha niya.
"Ngayon mag paliwanag kana habang maayos pa ang mood ko ngayon..." saad ng dalaga..
"Ito talaga hindi maka paghintay, napaka mainipin mo talaga kahit kailan..." wika ni Apollo at napakamot ito sa ulo.
"Ah ganun, mainipin pala ha...." wika ng dalaga sabay kurot sa tagiliran ng binata.
"Araaayyy ang sakit...." sambit ni Apollo.
"Magsasalita kaba o hindi?" turan ng dalaga.
"Ano to interview?" tugon naman ng binata.
"Hindi, torture sayo..." napangising sagot ni Hena.
Alam ni Apollo ang ganung ngiti, at tiyak hindi titigil ang kaharap niya hangga't hindi nakukuha ang gusto kaya nag salita na siya.

Hena: The Brat ( Book 1: Goddesses of beauty ) by: Sexy Lady (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon