Masayang kumakain ng tanghalian ang mga ito.
"Mabuti naman at nagka kila-kilala kayong apat." saad ni donya Letecia.
"Oo nga mommy eh, pare-parehas pa kami apat ng kapalaran..." sabad ni Hena.
"Good to know that my daughter's friend are so good and well educated like her..." sagot din ni don Manuel.
"Masaya rin ako na makilala kayo tito, tita..." saad rin ni Athena.
"Ako rin po tito, tita, salamat sa masarap na lunch....." wika rin ni Venus.
"Ako tito, tita ayaw ko mag pasalamat at baka hindi kami maka ulit...." kay lapad na ngiting sagot ni Diana.
Nagtawanan naman ang lahat dahil doon sa tinuran ni Diana.
"Sana may kasunod pa ito mga iha....." saad ng donya.
"Grabe ka naman mommy, parang ayaw mo na may kasunod pa ito ah..." sagot ni Hena.
"Oo nga tita, para naman maka pag bonding pa tayo..." sabad ni Diana.
Halos hindi matapos-tapos ng pag-uusap nila ng biglang may bumato sa bubungan ng kubo na pinatayo nila sa gitna ng garden.
"Ano iyon daddy?" wika ni Hena na bakas ang pagka gulat.
"Oo nga tito para may bumato sa bubungan..." wika rin ni Athena at gulat rin.
Maya-maya nalaglag ang bato mula sa bubungan at may papel ito na kasama. Pinulot ito ng kanyang ama at binasa.
"Ano ho iyan dad?" tanung ni Hena sa ama.
"Shit!" tanging bulalas ni don Manuel.
Umalis ang don na walang paalam kaya tumayo na si donya Letecia para sundan ito.
"Mga iha dito muna kayo at susundan ko lang ang tito Manuel ninyo may problema yata..." saad ng ginang.
"Sige ho mommy...." sagot ni Hena.
"Oky po tita....." chorus na tatlo.
Umalis na ang matanda para sundan ang asawa nito.
"Mabait rin naman pala ang mga parents mo Era eh..." wika ni Athena.
"Oo nga Era...." sabad rin ni Venus.
"Oo mabait sila lagi namang wala, tingnan mo hindi pa nga tayo tapos ng sipag alisan na naman sila...!" malungkot na himig ni Hena.
"Oky lang iyan girl, alam mo naman sila puro negosyo..." wika rin ni Diana.
"Oo nga eh, buti ang negosyo may panahon sila na nakalaan.." saad ni Hena.
Samantala, sa loob ng mansion nag uusap ang mag-asawa.
"Anung nangyari sayo Manuel?" takang tanung ni Letecia sa asawa dahil sa inasal nito.
"May problema tayo mahal...." saad ng don.
"Anu iyon mahal?" tAnung ng ginang.
"Pinagbantaan nila ako, ito ang papel...." wika ni Manuel sabay abot ng papel sa asawa.
PAPATAYIN KO ANG ANAK MO KAPAG HINDI KA PUMAYAG SA GUSTO KO!!!!
"Diyos ko anu ito mahal...." sambit ni Letecia at nag alala sa anak nila.
Walang kamalay-malay si Hena na sa oras na iyon ay may nagtatangka na sa kanyang buhat.
"Anu ba ang gusto nila at hindi ka pumayag Manuel?" tanung ng ginang sa asawa.
"Nais nila na mag pacargo ng druga mahal at kinausap nila ako tungkol dito, handa silang magbayad ng malaki basta ma ipadala lang ito sa cebu at zamboanga pero hindi ako pumayag dahil mali iyon...." salaysay ni Manuel sa asawa.
"Anu ang balak mo ngayon?" saad ni Letecia sa asawa.
"Kailangang masigurado ko ang kaligtasan ni Hena, ikukuha ko siya ng magaling na bodyguard para protectahan siya at handa akung magbayad ng malaki para sa ikaliligtas ng anak natin..." wika ng don.
Tumawag ito sa isang agency at nagpahanap ng magaling na tauhan para maging bodyguard ni Hena.
Kinahapunan umuwi na rin ang tatlo at kinausap niya ang anak."Princess mula bukas may bodyguard kana ha.." wika ng kanyang ama.
"What? bodyguard! daddy naman malaki na ako para magkaroon niyan.." sagot ni Hena.
"Weather you like it or not mula bukas may bodyguard kana at ako ang masusunod..." wika ng ama niya na tumaas ng boses.
Nagulat naman siya kaya hindi na ito naka sagot.