Naramdaman ni Hena ang mainit na pagtanggap mula sa pamilya ni Apollo."Alam mo ate ang ganda-ganda mo lalo na ang mata mo. Kasing asul siya ng ulap..." wika ni Ruby sa kanya.
"Talaga?" masiglang wika ni Hera.
"Oo ate tapos ang puti-puti pa ninyo at ang kinis pa ng balat ninyo..." dagdag pa ni Ruby.
"hahahaha ikaw talaga nambobola kapa." wika ni Hena at ang lulutong ng tawa.
Parang kay sarap pakinggan ng tawa ni Hena sa pandinig ni Apollo, para itong lulubby.
"Marunong rin pala ito tumawa..." sambit ni Apollo.
Naayos na niya ang silid na gaamitin ni Hena ito ay ang kanyang kwarto.
"Ate Hena may nobyo ka na ba?" tanung ni Ruby sa kanya.
"Wala pa Ruby...." naka ngiting saad niya.
"Ikaw Ruby ang daldal mo talaga.. ate inum ka muna..." wika ni Alona na kakapasok lang at may dala itong buko.
"Salamat Alona..." turan ng dalaGa.
Uminom siya at kinain ang laman nito.Papasok naman si Apollo ng makita ito. Napa nganga siya dahil wala itong pang itaas. Labas ang magandang hubog ng katawan nito. Napalunok siya dahil sa ganda ng tanawin na nakita niya.
"Hena pwede kana mag pahingga..." wika ni Apollo.
"Kuya ligawan mo na si ate Hena wala pa naman siyang nobyo eh..." wika ni Ruby.
Napatingin naman si Apollo sa kanya at nagkasalubong ang kanilang mga paningin. Namula si Hena dahil parang tumatagos ang titig ng binata sa kanya at nauna siyang yumuko. Tumalikod ang binata at nagtungo ng kusina.
"Ma, luto na ho na?" tanung ni Apollo sa ina.
"Malapit na anak..." sagot ng kanyang ina
Naupo nalang siya at inantay ito. Maya-maya ay nag hain na ang kanyang ina.
"Anak, tawagin mo na sila at nang makakain na sila, lalo na si Hena." utos ng kanyang ina.
"Narito na ho kami ma...." sabad ni Alona.
"Oh, maupo na kayo mga anak, ikaw rin Hena halika na." wika ni Teresita.
Naupo si Hena sa tabi ni Apollo, naamoy niya ang nakakatakam na amoy ng ulam, ginataang native na manok.
"Ito Hena anak tikman mo masarap iyan..." wika ni Teresita.
"Sige po...... salamat ho...." saad ni Hena at ang lapad ng ngiti.
Kumain na rin ang dalaga at tama nga ang sarap nito. Lasang-lasa ang gata at ang lasa rin ng manok. Ginanahan ito kumain kaya naparami siya.
"Ang sarap naman...." sambit ng dalaga na halos mabundat sa kabusogan.
"Mabuti naman at nagustuhan mo ang niluto ko anak...." sambit ni Teresita sa kanya.
"Ngayon lang ho ako naka tikim ng ganitong luto eh..." naka ngiting sagot sagot ni Hena.
"Salamat ho sa pagtanggap sa akin dito...." sambit ni Hena.
"Walang anu man anak, welcome na welcome ka dito...." wika ni Teresita sa kanya.
"Hena magpahinga kana doon sa silid mo...." sabad ni Apollo na kaka pasok lang.
"Sige ho inay Teresita.... salamat ho ulit....." wika ng dalaga at umalis na.
Pumasok na si Hena sa silid at humiga na ito sa papag.
"Ang swerte naman niya sa pamilya, kahit hindi sila mayaman puno naman ng pagmamahal at ang babait pa..." bulong ni Hena at napa ngiti ito.
"Salamat sa mainit na pagtanggap ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, sobrang welcome sa isang pamilya kahit hindi ako meyembro..." dagdag pa niya.Dahil sa sobrang pagod hindi namalayan ni Hena na naka tulog siya. Naisipan ni Apollo na puntahan ang dalaga para tanungin kung oky lang ito pero pag pasok niya nakita nito na nahihimbing ang dalaga.
'Ang amo pala niya pag natutulog pero bakit ang taray niya." sa isip ngbinata habang naka titig sa nahihimbing na si Hena.
'Ang pula ng labi niya, parang ang sarap halikan...' sa isip pa ni Apollo."Shit! anu ba ang pumapasok sa isip ko, maka labas na nga lang..." bulong ng binata sa sarili.
Lumabas ito at doon nahiga sa kawayan na upuan...
