Pag pasok nila sa loob nag hahanap sila ng upuan ng.....
"Athena, Hena......" tawag sa kanila ni Venus.
Kaklase rin pala nila ito. At may kasama ito na magandang babae.
"Dito rin pala kayo, sana sinabi ninyo para sabay na tayong tatalo na pumasok kanina." saad ni Venus sa kanila.
"Bakit tinanung mo ba?" pag tataray ni Hena.
"Oo nga pala hindi ko rin natanung..." naka ngiting sagot ni Venus.
"Sino iyang kasama mo Venus?" tanung ni Athena.
"Ah! siya pala, girls meet Diana my new friend, Diana meet Athena and Hera mga bagong kaibigan ko rin." pakilala ni Venus sa kanila.
Masaya si Hera sa mga narinig kahit papaano my nagturing sa kanya na kaibigan maliban sa yaya, driver at mga katulong nila.
"Nice meeting you girls..." wika ni Diana sabay lahad ng kamay sa dalawa.
"Nice meeting you too, Diana..." si Athena ang unang tumanggap.
"Same with, Diana..." sagot rin ni Hera at naki pagkamay rin.
"Friends????" wika ni Venus sabay lagay ng kamay sa harapan ng tatlo.
Pinatung naman ni Diana ang kamay sa taas at sinundan ni Athena kaya sumunod na rin si Hera.
"Friends...." churos nilang apat.
Nagtawanan pa sila pagkatapos noon. Masaya si Hers sa loob-loob niya dahil first time in her life may naki pag kilala at naki pag kaibigan sa kanya.
"Hera, Athena doon na kayo maupo sa harap namin ni Venus..." saad ni Diana.
"Pwede ba???" sagot ni Athena.
"Oo naman, friends na tayo diba." si Venus ang sumagot.
"Oo naman... " naka ngiting wika ni Athena.
Sumunod na rin si Hera sa kanila at umupo.
"Girls, may napansin lang ako..." naka ngiting wika ni Athena.
"Ano iyon Athena??" takang wika ni Venus.
"Napansin ko lang pare-pareho ang mga pangalan natin na mula sa mythology.." turan ni Athena.
"Oo nga no, Si Hera, siya si Venus, ikaw Athena then ako si Diana." sagot ni Diana at ang lapad ng ngiti.
"And take note girls, pareho pang magaganda at sexy...." turan ni Hera.
Naki sali na rin siya sa usapan ng mga ito dahil parang ma OP (out of place) na siya at iyon ang ayaw nito na mangyari.
"Parang sinadya yata na pag tagpuin tayong apat ah..." saad ni Hera ng may ngiti.
"Oo nga biruin mo, iisa tayo ng course, iisa tayo ng school at iisa rin ang pinanggalingan ng mga pangalan natin." sabad ni Venus.
Ngumiti silang lahat kasama si Hera, at nag kwentohan na sila.
"Ikaw Hera anu trabaho ng parents mo?" tanung ni Venus sa kanya..
"Ang daddy ko ang may-ari ng Chua Shipping lines, pero wala sila ngayon dito nasa Singapore dahil may bussiness trip.." malungkot na wika niya.
"Ako naman ang daddy ko ang CEO ng Querova Group of companies, pero wala rin sila dito nasa Japan para sa negosyo rin..." sagot ni Athena na may lungkot rin.
"Ako naman ang daddy ko ang may ari ng Smith Modeling Agency pero wala siya dito, nasa Paris para sa new design ng mga bagong damit na ipapauso dito sa pinas..." nalulungkot na wika ni Venus.
"Hay! swerte ako paminsan-minsan lang ang alis ni daddy pero lagi naman siyang busy, siya kasi nag papatakbo ng companya namin eh, iyong GMS(global media shows) akalain mo parehas rin pala tayong pinag iwanan ng mga magulang natin...." sAad ni Diana na may pilit na ngiti.
"Girls huwag na kayong malungkot, let's enjoy the life...." turan ni Venus at ngumiti.
"Tama si Venus girls, hindi tayo dapat malungkot dapat enjoy lang....." sabad naman ni Hera.
"After class mamayang hapon mall tayo treat ko..." dagdag pa niya."Sure....." churos ng tatalo.
Dumating na ang prof nila kaya nag si pagupo na ang mga ito dahil mag sisimula na ang klase nila. Kinahapunan nag tungo sila sa parking area.
"Girls, convoy tayo sa pag alis ha..." wika ni Hera.
"Sige...." sagot ng tatlo.
Pumunta sila sa kani-kanilang sasakyan at pumunta na ng megamall.