Chapter 31

2.1K 50 0
                                    

Bumiyahe silang dalawa at nagtungo ulit sa probinsya ni Apollo. Ang saya ni Hena sa wakas naka balik ulit siya dito.

"My love ang daming pinagbago rito sa inyo no." wika ni Hena. "Tsaka may mga itinayo nang mga building ah, iyong palengke maganda na rin at ang daan hindi na lubak-lubak." dagdag pa nito.

"Syempre my love nagbabago rin ang isang lugar sa paglipas ng panahon." sagot ni Apollo.

Nakamasid lang ang babae habang nasa byahe sila. Namangha ito sa pagbabago ng lugar.

"My love bakit iba na ang dinaanan natin?" wika ni Hena.

"Bakit my love?" tanung ni Apollo.

"Kasi parang hindi naman ganito ang lugar na dinaanan natin dati." sagot ng babae.

"Ito parin ang daan dati my love, na semento lang.." kay lapad na ngiting wika ni Apollo.

Nagulat ang dalaga ng lumiko sila at pumasok sa isang gate.

"Saan na ba tayo my love?" nagtatakang tanung ni Hena.

"Papunta sa bahay my love." sagot ng lalaki.

Tumambad sa kanya ang isang bungalow na bahay, napapalibotan itk ng maraming bulaklak at may fountain sa gitna.

"Wow!" tanging sambit ng dalaga.

Maraming puno rin sa paligid at mas tanaw niya ang bundok na naka palibot.

"Narito na tayo my love." pukaw ni Apollo sa kanya.

Bumaba ang lalaki at ipinagbukas siya ng pintuan. Bumaba na rin siya.

"Bahay ninyo ito my love?" namamanghang tanung ni Hena.

"Of course my love at bahay mo na rin ito." wika ni Apollo.

Parang hindi maka paniwala si Hena, ang layo na pala ng naabot ng lalaki.

"Anak narito na pala kayo..." masaYang wika ni Teresita.

"Oo nay..." naka ngiting sagot ni Apollo.

Humalik at nag mano ang binata sa ina at nag mano rin ito sa ama niya saka niyakap.

"Nay, tay, si Hena po, naaalala pa po ba ninyo siya?" turan ng binata.

"Oo naman anak sino ba ang makakalimot sa unang babae na dinala mo rito."kay lapad ng ngiting saad ng kanyang ina.

"Pumasok muna kayo sa loob mga anak..." wika ni Fredo.

"My love, pasok muna tayo." saad ni Apollo at hinawakan ang kamay ng kasintahan.

Pumasok sila at nag kwentohan, magiliw parin ang pag tanggap ng mag-asawa kay Hena.

"Nay, ready na ho ba?" tanung ni Apollo.

"Oo nak.." kay lapad ng ngiti na sagot ni Teresita.

Naguluhan si Hena sa pinag-uusapan ng dalawa dahil hindi niya ito naintindihan. Kinagabihan nag-usap silang magkasintahan.

"My love mag bihis ka may pupuntahan tayo..." utos ni Apollo.

"Saan naman my love?" takang sagot niya.

"Basta magbihis ka lang.." wika ng lalaki.

Nagtataka man ay nagbihis si Hena. Nag suot lang ito ng jeans at casual ng blouse.

"Ready kana ba my love?" tanung ni Apollo.

"Oo my love saan ba kasi tayo pupunta?" tanung ni Hena.

"May sorpresa ako para sayo my love.." sagot ng lalaki.

"Anu naman iyon my love?" saad ni Hena na kay lapad ng ngiti.

"Basta, sorpresa nga eh..." tugon ni Apollo.

Hindi na niya ginulo ang binata dahil nag dadrive ito. Hanggang sa makarating sila sa isang lugar, madilim ito at walang kailaw-ilaw.

"Here we are..." wika ni Apollo.

"Dito eh ang dilim-dilim naman.." yamot na saad ni Hena.

"Relax my love at bumaba muna tayo." sagot ng lalaki.

Bumaba si Apollo at pinag buksan siya pagkatapos ay nagsalita ito.

"My love i need ito put this..." wika ng binata sabay labas ng panyo.

"Bakit may blind fold pa?" takang saad ni Hena.

"Isuot mo muna ito.." utos ni Apollo.

Sinuot naman ito ng dalaga at hinila siya ng isang kamay, maya-maya ay bumulong ito sa kanya.

"Pwede mo ng kunin ang blindfolf princess..." boses ng matandang lalaki.

Hena: The Brat ( Book 1: Goddesses of beauty ) by: Sexy Lady (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon